Liwanag ng Buwan

8.8K 243 262
                                    

Ang iyong kaluluwa'y piling tanawin,
Kung saan ang mga maskerada't bergamaska'y nangagpupunta,
Nagsisitugtugan ng gitara at nagsasayawan,
Malulungkot sa ilalim ng magagarbong pagkukunwari.

Ang lahat ay nagsisikantahan ng menor,
Ng mapunyaging pag-ibig at ng mga bagay bagay ng buhay,
Sila'y tila di naniniwala sa kanilang kaligayahan,
Na ang kanilang awitin ay naglalambing sa sinag ng buwan.

Sa liwanag ng buwan, malungkot at marilag,
Mga ibong sa ilalim ng mga puno'y nangangarap,
At ang mga bukal na humihikbi sa labis na kaligayahan,
Yaong mga nagtataasang bukal sa piling ng marmol na estatwa

Note: sana wag nyo kong murahin. Gusto naman magsulat. Oras lang talaga kalaban.

Saan Kami Pupunta?Where stories live. Discover now