Kabanata IV : Hintay (3/3)

11.7K 226 56
                                    

Katahimikan... Nang makulong ako dito sa loob ng 7-eleven ay naunawaan ko ang ibig sabihin nito. Magkaiba pala ang salitang kapayapaan sa katahimikan...

Ilang oras na ba nang huli naming makita sila Hesus at Penny? Hindi ko na alam... Hindi ko na rin kasi nararamdaman ang oras. Madilim pa rin sa buong paligid at literal na wala akong makita kaya tingin ko'y madaling araw pa rin. Alam kong nakadilat ang mga mata ko. Dilat na dilat pero kahit anong dilat ko ay wala talaga akong makita. Kahit ipikit ko ang mga mata ko'y wala ring pinagkaiba. Gusto ko nang magpahinga... gusto kong magbakasakali na kahit sa panaginip ay maranasan ko ang isang maliwanag na paligid.

Madilim... pakiramdam ko ay ako na lang ang natira sa aming walo. Pakiramdam ko ay magisa na lang ako sa mundo. Sinabayan pa ng katahimikan ang aking magulong pagiisip. Ganito rin kaya ang pakiramdam ng isang baliw? Halimbawa, ng taong grasa? Hindi sumasagi sa isip ko noon ang bagay na yun kahit araw araw akong nakakakita ng mga taong grasa dito sa Avenida. Ano nga ba ang nasa utak ng isang baliw? Kabaliwan? Ano ang iniisip ng isang taong kulang sa pagiisip. Gaano kalalim o kalayo ang mga naiisip nila? Kaya kaya nilang magisip ng tama sa mali? Napansin ko lang, lahat ng taong grasang nakita ko ay hindi nanlilimos ng pera. Hindi nila alam ang halaga ng pera. Nakararamdam sila ng gutom kaya't pagkain ang kanilang hanap pero hindi sila nakararamdam ng awa sa sarili. Awa sa sarili - kung ramdam ko ito ngayon, maaaring hindi pa nga ako nababaliw.

Isang hikbi ang narinig ko habang ako ay nagiisip nang malalim. Tila ang hikbi na narinig ko ay patunay na kaya ko pang pumuna sa realidad. Kaya ko pa palang makaramdam... Patuloy ang paghikbi... na kalaunan ay nabosesan kong kay Marta pala ang mga mahihinang iyak na iyon. Wala nang iba pang maaaring dahilan ang pagiyak nya kundi sa pangungulila. Lahat kami ay gusto na talagang makaalis sa lugar na to. Kung kaya lang din namin na maipaliwanag sa mga sarili namin na wala na talaga kaming pupuntahan ay ginawa na namin. Paano mo nga naman sasabihin sa sarili mo na narito ka - sa isang lugar na di mo alam kung ano - at nagpupumilit kumawala mula sa kung anong pangyayaring hindi talaga maintindihan.

Makalipas ang ilang sandali, ay tuluyan na rin akong nangiyak. Hindi ko inaasahang masasagad ako. Pagod na pagod na ko... Bakit nangyayari ito sa akin? Ano na naman ang kasalanan ko sa Diyos at pinarurusahan ako ng ganito? Panaginip... gusto ko talagang isipin na panaginip itong lahat.

Sa bawat patak ng mga segundong naririnig ko sa aking relo ay sya ring pagkawala ng pag asa kong mabuhay. Saan kami pupunta? Nang minsang akong lumabas ay naramdaman ko ang pakiramdam ng isang namatay. Kung magkulong naman dito ay nararamdaman ko kung paano unti unting namamatay. Wala akong mapuntahan. Wala na ata kaming patutunguhan. Gusto ko nang magpahinga...

Bakit ka tatakas sa isang lugar na alam mong mas ligtas ka? Nakakatawa pero ang tindahang ito... ang kulungang ito pa ang kailangan naming pag tiisan para mabuhay.

Parang ilang oras na ang dumaan at wala pa rin sila Hesus at Penny. Ilang oras na nga ba - isa? dalawa o tatlo? Hindi ko na alam kung gaano katagal. At hindi ko na rin alam kung makakabalik nga silang talaga.

"Elias... " boses ng isang babae. "Gising ka ba?" nanggagaling ang boses nito sa malayo - boses ni Anabelle. Hindi ko alam kung ang boses na yun ay talagang narinig ko o nanggaling lang sa utak ko. Napakadilim kasi ng paligid at hindi ko malaman kung gising pa ang diwa ko. "Elias..." tawag muli nito sa akin.

Hindi ako nagsalita. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako at ni pagbuka ng bibig ay parang napakahirap gawin. Hindi ko rin alam at baka talagang wala namang tumatawag salita akin. Wala pa akong tulog at maaaring pinaglalaruan lang ako ng sarili kong utak.

"Elias.. kung naririnig mo ko, makinig kang maigi..." narinig kong muli ang boses ni Anabelle. Ang boses nya ay boses na parang umiiyak din. "Alam kong gising ka pa... nararamdaman ko... nararamdaman ko na pinanghihinaan ka na ng loob. Kailangan ka namin ng anak ko. Kailangan ka namin nila Marta. Kailangan natin ang isa't isa... makakatakas din tayo mula dito..." Si Anabelle nga.. gising ding tulad ko.

Saan Kami Pupunta?Where stories live. Discover now