Kabanata V : Ang Unang Patak ng Ulan (1/2)

11.2K 219 41
                                    

While I thought that I was learning how to live, I have been learning how to die.

- Leonardo Da Vinci

Paano ba ang mamatay? Simpleng tanong kung tutuusin pero kahit kailan ay walang makakapagsabi kung paano ba talaga. Laging sinasabi sa akin ng mga matatanda na kapag nagkaedad ka na ay unti unting bumibilis ang oras para sa iyo... kadalasan ang araw ay matatapos na lang na parang walang walang pinagkaiba sa kahapon. Paulit ulit daw - paulit ulit na hindi mo na maalala kung ano ang nangyari maghapon dahil sadyang wala talagang ipinagkaiba sa mga nakalipas na araw. Araw araw, tatayo mula sa higaan, magliligpit, kakain ng agahan, at mula sa oras na matapos mo ang hapag, ay babalik na muli sa paboritong upuan at aalalahanin ang mga masasayang bagay na naranasan - kung wala, ay magpapakalunod na lamang sa mga malulungkot na bahagi ng kabataan - hanggang sa dumating ang oras na sadyang wala nang iba pang maisip gawin at papangarapin na lang na sana, sa pinakamagandang paraan, ay mawala na lang sa mundo. Paano nga ba ang mamatay?

Wala nang mas bibigat pa sa damdamin ng isang taong nawalan ng mahal sa buhay... Naalala ko, nung ako ay ikinasal, ang pangakong habambuhay kayong magmamahalan ay ang pinaka matapis na mga salita na narinig ko mula sa aking asawa. Matamis - na para akong batang hindi nagsasawang damhin ang isang regalong kay tagal kong hinintay... Pero ang habambuhay na yun, ay hindi pala totoo.

Hindi ako naniniwala sa Diyos. Mas maigi sigurong sabihin na wala talagang Diyos at ito'y gawa lang ng mga taong walang pag-asa sa buhay. Dahil kung meron, hindi nya kukunin sa akin ang pinakamabuti nyang ibinigay.

Paano ba ang mamatay? Para sa akin, isa yung pangarap. Ayaw kong tumanda nang walang pupuntahan... Kung sakaling totoo nga itong nangyayari ngayon, siguro ay nagpaparamdam ang Diyos sa akin. Siguro ay sinusundo na rin ako ng aking asawa...

Nakaramdam ako ng pagod... matinding pagod. Gusto kong buksan ang mga mata ko pero hindi ko magawa. Pinakinggan ko ang paligid - tahimik at parang ang paligid ang syang nakikinig sa akin. Pakiramdam ko'y inaanod ako ng isang malumanay na ilog at inihihimlay sa kanyang puso at inihahatid sa isang lugar na maaaring magbigay sa akin ng kapanatagan. Hindi ko maipaliwanag pero magaan talaga ang pakiramdam ko. Kung kanina ay halos huminto na ang puso ko sa takot, ngayon ay para akong sanggol na nagsisimulang mabuhay.

...

Hindi ko alam kung bakit ako nandito ngayon... hindi ko alam at parang ayaw ko nang alamin. Sa bawat galaw ng paligid ko ay sya ring pagsangayon ng katawan ko - hindi ako pinipilit na mabuhay. Sa totoo lang, hindi ko man maipaliwanag, pero kahit papaano, kahit sandali, ay parang naranasan ko kung paano maging masaya.

Naririnig ko pa rin ang mga kulog. Pero hindi tulad kanina... tila kumalma na sila at ngayon ay nakikisama. Naririnig ko rin ang paggalaw ng tubig na naglalaro sa mga tenga ko. Siguro ay pinagbibigyan ako ng mundo, na kahit sa huling sandali ng buhay ko, ay mapagnilayan ko ang ilang mga importanteng bagay nangyari sa aking buhay.

Sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay. Mahirap mang gawin, ay parang magaan namang buhatin. Nasa ilalim pala ako ng tubig! Unti unti kong naalala ang mga nangyari. Nagigising na ang diwa ko... at pagkigising ko'y tila may mahinang boses na nagsasabi sa akin na kailangan ko nang gumising at mabuhay dahil naghihintay na ang nagiisa kong anak... Mahina ang tinig pero nagbigay iyon sa akin ng dahilan para magpatuloy mabuhay. Kailangan naming mabuhay ng mga kasama ko! At kasabay ng pagdilat ko ng aking mga mata, ay naalala kong lahat kung bakit ako nandito ngayon sa ilalim ng mga alon...

________________________________

"Kailangan na nating lumabas!" sigaw ko sa kanila. Kinakailangan kong nang sumigaw dahil sunod sunod ang  pagkulog sa labas at hindi na kami magkarinigan. "Kunin nyo lahat ng tingin nyong magagamit nyo pag lumabas tayo - pagkain, tubig. Kung may bag kayo, simulan nyo nang mag-impake!"

Saan Kami Pupunta?Where stories live. Discover now