Kabanata II : Unang Araw (2/2)

14.5K 240 25
                                    

-Alas kwatro ng hapon

Kung mayroon mang tiyak at una naming dapat maunawaan sa mga nangyayari ay yung katotohanan na pinakamaigi ang mag hintay sa loob nitong 7-eleven. Ang pangyayari kanina ay senyales na para sa amin ay nararapat na ituring na babala. Mabuti na lang at walang nangyari kaninuman.

Tulad ng nasabi ko, lahat kami ay nagdesisyong maghintay dito sa loob ng tindahan. Mas maigi sigurong sabihin ko na sa halip na nagdesisyon, sinunod namin ang iniutos ng aming mga sarili - dahil sa takot, sa pagaalala, sa pangamba na baka kapag sinubukan naming tumapak sa labas ng tindahan na ito, ay para na rin naming ginilitan ang sarili naming leeg.

Sinunod namin ang utos ng aming mga sarili at naghintay. Naghihintay kahit na pinangangambahan namin ang pagsapit ng gabi. Alam naming lahat na dalawang oras mula ngayon, ang buong paligid ay kakainin na ng dilim. Ngayon pa nga lang ay madilim na nga dahil tinatakpan pa rin ng napaka kapal na hamog ang liwanag ng araw. Mukha ngang ala-sais na ng gabi. Lahat ng emergency lights kanina ay naubusan na nga charge. Isa't kalahating oras lamang ang itinagal ng apat na emergency lights ng tindahan na to. Nawala sa isip namin na iconserve ang mga charge ng mga ilaw dahil sadyang naroon pa rin ang atensyon ng lahat sa kanya kanyang kalagayan.

Naisip kong maghanap ng flashlight sa isa sa mga istante. Lahat ng napuntahan kong 7-eleven ay may tinitindang flashlight -yung eveready na kulay pula. Hindi nga ako nagkamali at mayroong nakasabit - apat pa at kinuha kong lahat. Lumapit ako sa mga empleyado nitong tindahan para humingi ng battery. Nakaupo silang tatlo sa gitna. Nagkatinginan lang kami at nagkaintindihan na agad nang makita ang aking dala dala. Tumayo ang gwardya at umakmang kukuha ng battery na nakadisplay sa may counter. Ngayon ko lang napansin ang itsura nitong gwardya- kung pumuti-puti pa ng kaunti ang buhok nito, mapagkakamalan ko syang si Pen Medina. Bukod sa mukha, hawig din ang tikas at pananalita.

"Hahahaha." Si Rudy, napalingon ako sa kanya, may hawak na V-cut. "Alam ko nasa isip mo... Tawag nga namin dyan Penny. Kamukha ni Pen Medina di ba? Hahaha" tawa pa ni Rudy. "Nung unang pasok ko nga dito sabi ko parang pamilyar. Naisip ko nga si Pen Medina." Kwela din itong Rudy. "Tagal na daw nyan dito, 5 years." Sabay subo ng sitsirya.

"Ikaw ba, matagal ka na rin?" Tanong ko?

"Bago lang ako dito, kuya... 2 weeks. Pero nauna itong si Jeric. 5 months na ata. End of contract na nga ata to sa isang araw."

Tumingin si Jeric kay Rudy at pinalo nang mahina ang kasama sa braso "sa Biyernes pa iho, Biyernes." Sabi ng malaking mama.

Tinignan ko si Jeric, malaking mama talaga. Mga 5'11 siguro to. Malaki ang tyan. Talagang mukhang kwarenta na ang itsura. Kaya siguro hindi na rin narenew kontrata dahil sa edad.

"Ano nga uli pangalan mo, kuya" si Rudy

"Elias" sagot ko.

"Ang Mahiwagang Agimat Ni Elias Paniki." Sa likod ko, bumungad sa amin si Hesus. "Agimat ba yun o Daigdig...? Naknamputa kasi yang si Ramon Revilla. Yung matanda. Singdami ng anak nya mga ginawa nyang pelikula." Umupo ito katabi ni Jeric. Nagkatinginan lang din sila. Iniabot ni Hesus ang kanyang kanang kamay dito "Hesus..." nagkamay at nagpakilala rin kay Jeric. Nagpakilala rin ang dalawa sa kanya. Batid kong pareho ang impresyon nila dito tulad nung una kong nakausap si Hesus.

Umayos ng upo si Hesus. Sumeryoso ang mukha. Kaming tatlo'y nakatingin lang din sa kanya. Ilang sandali pa at nagsalita. "Mga kapatid, kailangan na nating maghanda. Gumagabi na. Buti nakakuha 'tong si Elias ng mga flashlight. Si guard ba kumuha ng baterya?"

"Oo," si Rudy ang sumagot. "Penny, pangalan nya"

"Ok.., kung marami ang makuha ni Penny, good... kaso pag hinde, kailangan natin ng iba pang magagamit na ilaw." Luminga linga si Hesus. "Yung kalan nyo, hindi natin pwede gamiting ilaw yan. Bukas lang ubos na yan pag ginamit natin. Ano pa ba meron kayo?" tanong nito sa dalawa.

Saan Kami Pupunta?Where stories live. Discover now