Kabanata III : Avenida (1/3)

12.4K 210 43
                                    

Nakita ko syang tumatakbo sa isang halamanan kasama ang aming apat na taong gulang na anak - tumatakbo kasabaay ng wasiwas ng mga dahon. Hindi ko makita ang kanyang mukha pero batid ko na napakaganda pa rin nya. Alam ko rin na nakangiti sya at nakalingon sa akin. Siguro, naaalala nya rin ako. Siguro binabantayan nya pa rin kami kahit wala na sya mundo. Parang gusto ko ring tumakbo kasama nila...

"Elias!" Isang malakas na tapik ang gumising sa akin. Pagkatapik ay sya namang hila nito sa aking kanang kamay. Malakas ang pagkakahila. Nanaginip pala ako. Tinignan ko ang aking relo - alas otso ng umaga.

"Bakit?" Tanong ko. Kalaunan, pagkusot ko sa aking mga mata ay naaninag ko ang mukha ni Penny. Tinitigan ako nito nang makahulugan.

Gising na pala ang lahat. May liwanag na rin sa dito sa 7-eleven mula sa labas. Luminga ako sa paligid. Lahat ay nakatingin sa kin. Nagtataka ako kung bakit. Isa isa ko rin silang tinignan.

"May nakita kami sa labas!" Bungad ni Rudy. Nangangatog ito. Nakatingin pa rin silang lahat sa akin. Bakas sa mukha ng lahat ang sobrang pagtataka.

"Anong nakita nyo? Ba't ganyan itsura nyo?" Kahit ako ay nakaramdam na rin ng takot.

"Nakita ka namin na kumakatok sa labas." Si Hesus. Natahimik ako. Napaisip kung binibiro ako ng mga to. Imposible naman ang sinasabi nya. "Narinig namin ang boses mo na nagsisisigaw sa labas. Nung una kala namin lumabas ka pero lahat kami nagulat nung nakita ka namin na nakahiga dyan at tulog na tulog."

Bakas sa mga mukha nila ang katotohanan sa sinasabi. Hindi ko alam kung anong magiging reksyon ko.

"Nung una narinig lang namin yung sigaw. Tapos itong si Penny, tinignan kung ano yun, gamit yung flashflight. Tapos yun nga sabi nya bakit ka nasa labas." Kwento ni Marta.

"Teka, ano ibig sabihin nun?" Hiniram ko yung flashlight kay Penny at tumingin din sa labas.

"Kami nga dapat magtanong sayo eh" si Rudy. "Akala talaga namin ikaw. Pagbubuksan ka pa nga nitong si Penny tapos napansin ka nga namin na natutulog nga dyan."

"Hindi ako yun. Obvious naman di ba?" Paninigurado ko sa kanila. "Kanina pa ba?"

"Kanina pa." Si Hesus, lumapit sa nakakadenang pinto at sinuri. chineck kung bukas "Ako rin, nakita talaga kita... Kinakalabog mo nga tong pinto, tapos parang galit na galit ka dahil hindi mo mabuksan. Tapos biglang nawala nung maubusan ng baterya yung flashlight ni Penny. Nung ginamit ko yung nasakin, di na namin nakita."

"May nagmumulto talaga sa labas" pumasok sa usapan si Jeric. Matindi talaga ang paniniwala nito sa multo at kwentong bayan. "Di ba may mga ganong multo, gagayahin mukha ng isang tao tapos gagawa ng masama. Minsan nananakit pa. Sabi mo galit na galit di ba? Baka gusto talaga tayong patayin" sabi nito kay Hesus.

Tinignan ko si Hesus pati na rin ang iba pa. Pansin ko sa itsura nila na parang gustong paniwalaan ang mga sinabi ni Jeric. Kahit ako, gusto ko ring maniwala sa kanya dahil sa kawalan ko ng iba pang maisip na explanation.

"Pero bakit si Elias? Bakit hindi ako o bakit hindi isa satin? Si Penny.

"Dahil tulog sya?" Patanong na sagot ni Marta.

"Walang multo" sabi ko. "Bakit ba multo agad ang nasa isip nyo?"

"Anong tawag dun?" Si Jeric.

Tumahmik ako. Wala rin akong maisasagot sa kanya. Pero malakas ang kutob kong hindi multo o anong lamang lupa ang gumagawa nito sa amin. Kahit pag ugnay-ugnayin ko ang lahat ng mga nangyari mula kahapon ng umaga, hindi ko rin masagot si Jeric. Hinikayat ko na lamang silang magisip muna bago maniwala sa hindi naman dapat paniwalaan.

Saan Kami Pupunta?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon