Chapter 10

523 9 1
                                    

LUMAPIT si Jillian kay Jesse at sinalubong niya ito ng yakap. Isang mahigpit na pagkakayakap na halos hindi na makahinga si Jesse sa pagkakayakap nito

"Na miss kita, Baby Emp. Akala ko hindi na kita makikita. But don't worry I am here. Schoolmate na ulit tayo."

Pilit naman kumalas si Jesse sa pagkakayapos ni Jillian sa sa kanya. Napalunok siya. Kaya nga siya lumipat ng school ay para rito tapos after all he have done susundan pa rin pala siya nito?

"Nandyan na 'yung girlfriend ko. baka magselos siya kaya lubuyan mo na ako, utang na loob," pagdadahilan niya. Kulang na lang magmakaawa siya rito para tigilan na siya nito

Ngunit hindi ito nagpatinag at lalo naman nito hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya."So what? I'm still your fiancee."

He need to escape. Desperately he want to get rid of her. Mukhang kahit ano ang gawin niya ay wala siya kawala rito. Ang tanging resort niya ay si Ashley. Teka nasaan ba ang babaeng iyon?

Paglingon niya, tamang-tama naman dahil papunta sa gawi nila si Ashley. Tignan mo nga naman ang pagkakataon, talagang sinuswerte nga naman siya."Babe?" tawag niya rito.

Napalingon naman ito. Tila hinanahanap nito kung sino ang tumawag dito. Nang hindi ito lumingon sa gawi nila ay tinawag niya ulit ito."Ashley, babe."Help.

Sakto naman ang paglingon nito ngunit kunot noo itong tumingin sa kanya. Paalis na sana ito ngunit inunahan na niya itong lapitan nang nagkaroon siyang pagkakataon na kumalas sa pagkakayakap kay Jillian.

Sinalubong niya ito ng yakap. Mababakas sa mukha nito ang pagkabigla. Nang makahuma ito at nagpupumiglas ito, ngunit lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayakap dito."Stay put. Please. Nandyan si Jillian, so please pretend to be my girlfriend."

Nagpupumiglas pa rin si Ashley rito. wala siyang balak magpagamit rito. Ano ito sinuswerte?

Nagpupuyos naman sa galit si Jillian. Tila na baliwala siya at na inis sa nasaksihan. Umiiral ang kaselosan niya. Nilapitan niya ang mga ito at sinabunutan si Ashley.

Hawak-hawak ni Ashley ang buhok niya na sinasabunutan ni Jillian habang si Jesse inaawat si Jillian.

Na gulat siya sa ginawa nito sa kanya kaya hanggang ngayon hindi pa rin siya makahuma. Napadaan lang naman siya kaya na gulat siya ng bigla siya nito sinabunutan. Buti na lang walang tao na gagawi sa lugar na iyon kundi mapapahiya pa siya lalo.

"You bitch! Stay away from my Fiance. Malandi ka!"

Doon na nagising si Ashley. Siya, bitch? Yeah, right. Everybody call her a bitch and malandi but never siya ng agaw ng may fiance ng iba at hindi ata tama na sinasabutan siya nito.

Buong lakas niyang tinulak ito sa sobrang lakas pati si Jesse ay na patumba. "Ikaw ang bitch. Nakita mo ng ako ang girlfriend tapus sasabihin mo 'kaw ang fiance niya. Mahiya ka nga sa balat mo."

Gusto lang ni Ashley na makaganti rito kaya naman kahit ayaw niya ay sinakyan niya ang trip ni Jesse. Nababanas kasi siya sa babaeng tinutukoy ni Jesse na Jillian raw ang pangalan. Unang pagkikita pa lang kasi nila ay galit na ito sa kanya. Bagamat alam niya wala siyang ginagawang masama rito at kung totoo ngang fiance nito si Jesse ay wala naman siyang balak agawin ito rito kaya lamang hindi niya maiwasan na labanan ito. Hindi siya pinanganak na martir. Palaban siya.

Kung gusto nito maging bitch siya, pwes papakita niya dito ang pagiging bitch niya.

Hindi naman makapaniwala si Jesse sa narinig na istatwa ito. Tama ba ang naririnig niya? Si Ashley, pumapayag na maging pretend girlfriend niya? 

Peerless RomanceWhere stories live. Discover now