Chapter 2

1.2K 20 9
                                    

ABALA ang mga maids sa paglilinis ng mansyon nang pinatawag ni Aunty Shelo, mayordama ng pamilya Cantivalez, ang lahat ng kasambahay.

Aunty Shelo ang nakagawian nilang itawag sa kanya, tanda na rin sa paggalang lalo na sa tagal na rin niya sa pagsisilbi sa pamilya Cantivalez.

Lahat ng mga kasambahay na halos 105, bukod sa mga bodyguards na 30 at house guard na 15 ay naglipon sa malawak na lobby ng mansyon at nagsipila. Hinabilin niya ang mga ito sa mga dapat gawin sa mansyon.

"Tanging si Emp, lang ang narito, wala ang ibang miyembro ng pamilya at nasa ibang bansa ang mga ito. Ngayon ang unang araw sa eskwela ni Emp. Kaya siguraduhin niyo na nakahanda na ang lahat ng kailangan at malinis na ang buong mansyon."

Ang tinutukoy nito ay si Jesse Michael Cantivalez, ang nag-iisang anak na lalaki na magmamana ng buong emperyo ng mga negosyo ng Cantivalez.

Emp ang nais ipatawag nito sa kanila ng amo, short for Emperor. Hindi raw kasi ito basta-basta lamang. Dahil gusto nito tinitingala ito ng lahat.

Na tapos na ang habilin ni Aunty Shelo ng sakto bumaba si Jesse at sinalubong siya ng pagbati ng lahat.

"Magandang umaga, Emp," sabay pagbati ng lahat at kasunod noon ang pagyuko ng mga ito.

Dimiretso na ito sa dining room at pinagsilbihan na siya ng mga ito ng almusal. At ang ibang kasambahay ay nagpatuloy na sa gawain sa bahay.

Ipinatawag nito si butler Tom, ang kanyang personal butler upang magreport sa kanya.

"After lunch po, kailangan po natin sumaglit sa company para i-meet si Chairman Nam, to discuss the future plan of collaboration of both companies, kailangan daw po kayo ni Madam r'un upang malaman ang opinyon n'yo," sabi nito habang tinitignan nito sa planner ang schedule ni Emp.

Hinihigop ni Jesse ang kape habang ina-absorb niya ang lahat ng dapat niyang gawin sa araw na iyon habang patuloy pa rin si butler Tom sa pagre-report ng list of schedule niya.

Bata pa lamang na mulat na siya sa trabaho ng kompanya kaya kasama na sa schesule niya ang trabaho niya sa kompanya kahit na nag-aaral pa lamang siya at hindi pa tapos. Gusto kasi ng mama niya na maaga siya mamulat sa negosyo dahil balang araw raw siya rin naman ang hahawak nito.

"Kailangan niyo rin pong magreport sa papa niyo after class, parating na po siya mamaya galing France."

"Si babe ba wala akong nakasched?"

"May date po pala kayo kay Babe mamayang 8pm sa Shangrila hotel. Nagpa-cater na rin po at na bili na po ang venue para masolo niyo ang lugar."

Napangiti siya sa narinig at bigla na alala ang babae.

"Did you already deliver the flowers?" tanong niya.

"Nakapagpadala na po akong ng bulaklak kay babe1, babe2 at babe5."

Certified playboy siya at aminado siya roon. May pagkapabling siya at babae lang ang tanging pantanggal niya ng stress niya sa work niya at libangan niya.

Besides, he's one of the top ten richest Bachelor in the world. With the looks, fame, wealth and power he have talagang maraming babaeng makakandarapa sa kanya. Kaya naman ganoon na lamang siya makapag-advantage sa mga girls na titipuhan niya dahil lahat ng gusto nila sa lalaki ay na sa kanya na.

Bigla niya na alala ang ilan niya pang girlfriends at tinanong niya ang kanyang trustworthy na butler na si Tom. "Eh, si Babe3 at Babe4 bakit hindi mo pinaldalhan?"

"Nakipaghiwalay na po kayo sa kanila kahapon," pagpapaalala nito sa kanya.

"Oo nga pala nakalimutan ko. Kanino nga pala ako makikipag meet mamaya? I forgot."

"Kay babe7 po."

Bilib na talaga siya sa kanyang personal butler. Kahit kailan very well organized at loyal sa kanya. Kaya ito ang pinili niya para maging personal butler dahil tinuturing niya na rin itong kaibigan. Kahit may pagkalokoloko siya alam niya sa kanya pa rin ito papanig at kahit pa magalit ang mama niya sa kanya alam niyang ipagtatanggol siya nito. Minsan na rin siya nito ipinagtanggol sa mama niya na kamuntikan pa nito ikasisante.

Bagamat kababakasan ng takot sa pagkasindak nito sa kanyang ina ay ipinagtanggol pa rin siya nito, nanatili ito sa kanyang tabi. Buti na lamang na roon ang akanyang ama at kinausap ang kanyang mama at na udlot ang sana pagkasisante nito. Kaya mula noon, hinangaan niya ito at naging kaagapay niya ito sa kanyang buhay.

Bukod kay Aunty Shelo, isa ito sa mga taong pinagkakatiwalaan na niya at subok na ang katapatan sa pamilya nila kaya wala rin duda kung bakit na pa lapit ang loob niya rito.

Tapos na siyang kumain at dumiretso na siya sa kanyang kotse. Pinagbuksan siya nito ng pinto at umupo na ito sa tabi ng kanyang driver at dumiretso na sila sa school.

"Wala ba kaming lakad ni Babe8?" aniya habang nasa biyahe.

"Wala po. Pero mamaya po pupuntahan niyo si babe9 mag-uusap daw po kayo pagkatapos ng klase."

"Hindi. Makikipagbreak na rin ako sa kanya." Mukhang nakakahalata na siya dahil nililigawan ko yung bestfriend niya. Hindi ko na rin yun liligawan para hindi tayo mahuli. Itigil mo na ang pagpapadala ng bulaklak d'un kay babe5. At doon sa lima pa na bago kong prospect isama sa padalhan mo ng bulaklak," paanggil niya.

Ayaw niya kasi sa lahat ng mga babae na nagiging masyado pakilamera na sa buhay niya kaya ganoon na lamang ang nagiging reaksyon niya at nagpasya na siyang makipagkalas rito. Never pa kasi siya na huhuli kaya maingat siya lalo na mainit siya sa mata ng mga paparazzi at mahalaga ang kanyang privacy kaya kahit papaano nag-iingat siya upang walang eskandalo at aberya.

"Sige po, Emp. Masusunod."

Hindi pa man sila nakakarating sa school nang biglang may sumalubong sa kanilang dyip. Na out of balance siya at sa untog siya sa bintana.

Dali-daling bumababa ang bodyguard niya upang saklolohan sila.

"Emp, nasaktan po ba kayo?" tanong ni Butler Tom sa kanya.

"ANO BA SA TINGIN MO?!? " patuyang wika niya.

Hindi na ito nakapagsalita at humingi ito ng pasensya sa kanya at dali-dali na itong dumiretso sa kinaroonan ng insidente. Kinakausap nito ang driver ng jeep na nakabangga sa kanila at unti-unti na rin bumabagal ang unsod ng trapiko dahil sa naganap na aksidente at dahil na rin sa mga taong nakikiusyoso sa kanila.

Buti na lamang walang na pinsala sa kanya ngunit ang kinaiinisan niya ngayon ang aberya na gawa nito sa kanya.

"Dito lang muna kayo para sa inyong kasiguraduhan," bilin sa kanya sa isa niyang bodyguards.

"BABA AKO AT AKO NA KAKAUSAP SA LINTIK NA BUMANGGA SA ATIN," pa asik niyang turan.

Hindi na siya nagpaawat pa sa mga bodyguards niya at agad-agad na siyang bumaba.

Handa na siyang magsalita at sampahan ng kaso ang driver ng jeep nang mapatigil siya sa isa sa mga pasahero nito. Na bigla siya sa kanyang nakita at literal na pa tulala siya.

 **************************************************************************************************************************

Author's Note:

 Hello, sa wakas nakapag-update rin. Sana magustuhan niyo ito. Sana maraming makabasa nito. And I really appreciate comments and suggestions lalo na kung ire-recommend nyo pa ito, whahaha xD. Thank you sa magbabasa :)

Peerless RomanceWhere stories live. Discover now