Chapter 6

700 16 5
                                    

Author's note: As much as possible gusto ko mag UD agad kaya ito po ang para sa inyo. Hope you like it. :)

 Nga pala tignan nyo po ung nsa gilid. Sila po ang mga cast ng storyang ito. Sana magustuhan nyo 

 dedicate ko nga pala ito sa first na nagfan sa akin. Pasensya na kung na tagalan ung pag-UD

****************************************************************************

NAGTAGISAN ng tingin sila Ashley at Jesse. Hinihintay kung sino ang mauna magsasalita sa kanila.

Tila nagkakaintindihan sila kahit wala sa kanila ang nagsasalita. Sa pamamagitan lang ng tingin parang nagpapalitan na sila ng mensahe sa isa't-isa

Mababakas sa itsura ni Jesse ang pang-aakusa sa dalaga. Hindi makapaniwala sa ganitong pagkakataon sila magkikita. 

"Ashley, tara na malapit na mag start yung palabas. Let's go?" untag ni Erik. 

Hindi nakahuma si Ashley nang ayain na siya ni Erik manood ng sine balak pa sana niya komprontahin si Jesse kung hindi nga lamang niya kasama si Erik.

Ganito pala ang pakiramdam ng niloloko. Ang mas masakit naglolokohan lang pala sila umpisa pa lang ng kanilang relasyon. Parang ang bilis ng karma niya.

Medyo nakakalayo na sila nang magtanong si Erik sa kanya, "Kilala mo ba iyon kasi hanggang ngayon sinusundan pa rin tayo ng tingin?"

Nilingon ni Ashley ang gawi nila Jesse at tama nga si ito, nakatingin pa rin si Jesse sa kanila.

"Oo. Ex ko." Dahil ngayon break na kami. Gusto sana idugtong ni Ashley ngunit hindi niya na gawa.

Hindi na muli nagtanong pa si Erik mukha naman baliwala rito ang nangyari at hindi ito nakahalata kaya pinagpatuloy na lamang nila ang panonood ng sine.

Ngunit hindi magawa ni Ashley ituon ang atensyon sa pinapanood kaya na tapos na ang palabas at nagpagpasiya na siyang umuwi at hinatid na siya sa malapit sa kanila.

  

Nawalan na kasi siya sa mood pa para makipag date lalo na sa naganap kanina lamang sa pagitan nila ni Jesse maisip pa lamang niya iyon ay nanggagalaiti na siya sa galit. Hindi niya ito mapapatawad.

Peerless RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon