Chapter 9

606 13 7
                                    

NANG MAKAHUMA na si Ashley sa pagkabigla ay tinanong na niya ito. "Anong ginagawa mo rito?"

"Whoa! Is that the right to greet your boyfriend?"

Nagpintig ang tenga ni Ashley rito sa sobang kakapalan ng mukha nito. Sinabi nang hindi niya ito boyfriend. At anung "K" mayroon ito at nag-a-assume ito na sila?

"Hoy! Hindi kita boyfriend, excuse me! Sino ba nagsabi sa'yo na pumapayag ako maging girlfriend mo? Umalis ka nga d'yan may klase pa ako. May quiz pa ako." -_-"

Tinalikuran na niya ito at patakbo niyang hinanap ang kanyang room ngunit hinabol siya nito at sinabayan sa pagtakbo.

"Wait, Ashley. Saan ka pupunta? Ano ba room mo? Sabay na tayo."

Nilingon niya ito at ngayon niya lang na pansin ang suot nito. Na gulat siya nang mapansin niya na nakauniform ito ng pang Letran.

Hindi kaya—Oh no!

"Tama ka. Schoolmate mo na rin ako," tila na basa nito ang nasa isip niya at ngayon nga ngingisingisi ito sa kanya.

Tuluyan na lang niyang inalisan ito baka mamaya lalo pa siyang masira ang araw niya, may quiz pa naman siya ngayon.

"Teka, saglit. Ask ko lang, saan 'yung room 230?"

Nanigas naman lalo si Ashley kung saan room ito pa tungo. Tila ang room na pupuntahan niya ngayon kung saan siya magku-quiz at ang pupuntahan nito ay iisa? Mukhang kung mamalasin pa siya hindi niya lang ito magiging schoolmate kundi magiging kaklase niya ito.

"Hindi maaari!"

"Huh? Anong hindi maaari?"

Hindi niya namamalayan na na sabi niya ang nasa nasa isip niya. Sa banas niya ay iniwan niya ito. Sinundan naman siya nito at na hinto ito sagit nang makita siya kung saan room siya na tuloy.

"Ahhh, kaya pala, magkaklase pala tayo. Nice!"

Tuloy na siyang pumasok sa loob ng kanilang silid. Simbakol na umupo siya sa kanyang assign seat. Buti na lang wala pa prof niya kundi baka pati ang pag-quiz n'ya malasin pa s'ya. Ngunit muntik naman siya mabingi dahil nagsisihiyawan na ang mga kaklase niyang babae.

"Oh my! Dinalaw ako ng prince charming ko."

"Magpaparty ako."

Huh? Party? Naging kaklase lang si Jesse magpaparty na agad?

"Lord, thank you tinupad n'yo ang dalangin ko."

Wow! Ah. Nahiya naman ako sa kanya, natuto pang magdasal.

Hindi niya ma-take ang kakornihan ng mga kaklase niyang babae. Parang ngayon lang nakakita ng lalaki. Ano naman kung one of the top bachelor in the world si Jesse?

Peerless RomanceWhere stories live. Discover now