Chapter 3

874 21 2
                                    

LATE na si Ashley sa klase kaya naman na pagpasyahan na niyang sumakay na siyang dyip pa Lawton para mapabilis siya ngunit isang aberya ang nangyari. Hindi niya aakalain na mababangga sila. Buhay niya ang mapapabilis rito.

May nag-U-turn kasi na motor sa harap nila at napakabils pa nagpaharurot nito. Bawal pa naman ang mag-U-turn sa daan na iyon kaya ganoon na lamang na gimbal si manong sa biglaang pagsulpot nito.

"Lokong motor ‛yun ah. Okay lang ba kayo?" tanong ni Manong Jeepney driver sa mga pasahero.

Mabuti na lamang walang na saktan sa kanila at naging maagap si Manong sa paglihis ng daan iyon nga lang nagkaroon ng aberya dahil may mga na kasunod sila na mga sasakyan nagkabanggaan. At isa na roon ang magarang kotse na kasunod lang nila.

Bumababa ang mga sakay nito na nakasuite pa. Makikita na hindi basta-basta ang mga ito.

Lumapit ang isa sa mga ito sa Jeepney driver at kinausap ito. Mahinahon lang ito magsalita ngunit makikitaan ng babala.

Mukhang magtatalo pa ang mga ito, ano ba ‛yan late na ako.

Hindi nga nagkamali si Ashley at nagkagulo na ang mga tao sa daan at sinisisi nila sa nangyari ang pobreng Jeepney driver. May mga MMDA, traffic enforcer, police, mga usisero na nagsilapitan sa kanila na lalo pang nagpatrapik sa lugar.

"Lahat ng pasahero, halikayo sa presinto. Kailangan ang statement niyo sa pangyayari at ‛kaw Manong Jeepney driver sumama ka sa amin sa presinto pati na ang dyip mo," anunsyo ng pulis sa kanila.

Ayos ka lang? Late na nga ako eh? Hindi maaari ito.

Hindi na nakatiis si Ashley at bumababa na siya ng jeep. Sapat na ang perwisyong nangyari sa kanya kaya naman gagamitin na niya ang alindog niya upang makaalis na rito at hindi na siya kuhaan ng statement at the same time na aawa na rin siya kay Manong na wala naman kasalanan kaya naman tutulungan na rin niya ito upang makatakas sa kasong ito.

"Mamang pulis, ipawalangsala niyo na po si Manong. Wala naman po siyang kasalanan. ‛Yung motor na bigla na lamang nag-U-turn ang may pakana nito. Siya dapat ang sisihin sa nangyari. Totoo lahat ng sinasabi ni Manong ako na po ang nagpapatunay kahit tanong niyo pa sa ibang pasahero, di ba?"

Lahat ng pasahero sumang-ayon sa kanya. Kahit naman siguro hindi nakita ng mga iyon magagawan niyang pa sang-ayunan ang mga iyon. Dahil lahat sila na tulala na sa kanya. Parang nakakita sila ng artista.

*___* <== ito ang mga itsura nila ng makita siya. Parang naging star ang mga mata nila.

"Oo nga. Maaawa na kayo sa maganda, este kay manong," sabad ng isa sa mga pasahero.

"Oo nga," sang-ayon ng mga tao sa kanya.

Lahat na ng tao nasa panig na niya. Pati ang pulis mukhang na kukumbinsi na niya. Wala ata nakakatanggi sa mala-anghel niyang mukha dahil lahat sila na paniwala niya.

Na pa kamot ulo na lang ang pulis mukhang na kumbinsi niya ito. "Pero miss, gustuhin man namin masunod ka may nagsampa na ng kaso sa kanya Pasensya na miss ah, pero kailangan namin gawin ang trabaho namin."

"Na suhulan kasi ‛yan kaya hindi na naawa kay Ganda. Basta talaga pulis mukhang pera."

"Booooo."

Masama na ang tingin ng mga tao sa pulis, kung anu-ano na ang sinasabi nila rito.

"Sino po ba iyong nagsasampa ng kaso baka po pwede pang makausap?" tanong niya.

Tinuro nito ang lalaking nakatalikod. Kinakakausap nito ang mga naka-uniforme na mga lalaki. Mukhang pinapapagalitan nito ang mga ito. Nilapitan na niya ito.

Hinanda na niya ang walang kamatayang puppy eyes niya na lalong nagpa-emphasize sa maamo niyang mukha.

"Mamang Pogi, please maaawa na kayo—"

Na pa tigil sa sasabihin si Ashley dahil hindi niya inaasahan na napakagwapo pala ng taong magsasampa ng kaso kay Manong Jeepney driver.

Ay! Pogi nga. Wow! Kamukha niya yung crush kong si Lee Min ho. My God! ang hot niya.

For the first time na pa tanga siya sa isang gwapong lalaki. Hindi kasi basta-basta ang aking katangiang pisikal nito. Hindi lang kasi ito gwapo, malakas pa ang dating.

Nagtama ang mga mata nila mukhang isa man sa kanila hindi nakapagsalita. Parang mina-magnet ang kanilang mga mata.

Mababakas sa mukha ng lalaki na natulala rin ito sa kanya.

Nginitian niya ito. Kababakasan ang pagkagulat nito sa ginawa niya ngunit sinuklian siya rin ng isang ngiti.

Akala mo ako lang mapatutula sa‛yo. Ang ganda ko noh? He-he. Sabi na nga ba type mo rin ako, eh.

Nang makabawi, pinagpatuloy na niya ang na udlot niyang sasabihin. "Iurong mo na ang demando kay Manong. Maawa ka na sa kanya. Parehas lang tayo maaabala. Wala naman na disgrasya o kaya na saktan. Please lang pogi paglapasin na muna natin ito."

Sa dami ng lalaking na kilala niya alam na niya ang iba't-ibang klase nito at alam na rin niya kung paano mapapasunod ang mga ito sa gusto niya.

Just like girls, boys also appreciate compliments. Lalo na may pag-egoistic sila kaya boost sa kanila kapag sinasabihan mo silang pogi cause even it's just a joke they sure do believe it.

Na pa ngiti naman ito sa gesture niya. Lalo na ng marinig nito na sinabihan niya itong 'Gwapo'

See, I told you it will work.

Kahit naman na hindi niya itong sabihan na gwapo, alam naman nito siguro iyon. Iba nga lang siguro and dating pag siya ang nagsabi lalo na sa magandang tulad niya.

"You told ealier you saw the one that cause this trouble. Sino siya?" tanong nito sa kanya.

Alisto naman niya itong sinagot. "‛Yung motorcycle ang kagagawan nito. Kung hindi sana siya nag-U-turn sa harap namin, alam naman nang bawal ‛ron hindi sana mangyayari ito. Pero natandaan ko ‛yung plate number."

"Sir may CCTV camera po rito kaya siguradong makikita po natin kung sino talaga ang may sala," sabat ng pulis.

Na kumbinsi na rin ang lalaki at iniurong na ang demanda. Ibinigay na niya ang plate number at pinaaalis na rin ang mga usisero at inayos na rin ng traffic enforcer ang daloy ng trapiko.

Laking pasasalamat ni Manong jeepney at libre na raw ang pamasahe nilang lahat sa sobrang tuwa nito sa kanya. Pa aalis na sana sila ng biglang sumulpot bigla ang gwapong lalaki.

"Pagnalaman ko hindi totoo iyon ikaw malalagot at makukulong si Manong Jeepney. Para makasigurado ako pahingi ng contact number mo."

Hindi makapaniwala si Ashley. Natuwa siya sa paraan ng paghihingi ng number nito sa kanya. Ganoon pa man binigay niya pa rin ang number niya rito.

Biglang nag-ring ang cellphone niya at isang unregistered number ang nakalagay.

"Just checking this is not a false number," sabay pilyong ngiti nito sa kanya.

Hindi na niya na pigilan na matawa rito. Na tutuwa siya dahil kahit na minalas siya ngayong araw na ito at late na siya sa klase niya, nakatagpo pa siya ng gwapong tulad nito. Mukhang madaragdagan ang mga collection niya.

**********************************************

Author's note: Sa wakas nakapag-update na rin. Enjoy niyo ang pagbabasa. Please kindly spread my work and comment na rin. Kahit negative pa iyan. Okay lang maa-appreciate ko. Sana dumami ang sumabaybay nito para sipagin akong mag-update, ehehe. (demanding! whahhaha) Thank you :)

Peerless RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon