Prologue

4.8K 37 20
                                    

NASA MALL si Ashley nang makita niya ang kanyang nobyong si Jesse. Nagulat siya sa natuklasan. May kaakbay itong isang babae. 

Kitang-kita ng dalawang mata niya kung gaano ka sweet ang dalawa. Ganoon na lamang ang pagkabigla niya ng hinalikan ng babae sa pisngi ang boyfriend niya.

Nag-init ang kanyang mukha. Gusto niyang sugurin ang mga ito. Ang kakapal ng mga mukha at sa harap pa niya mismo lumalandi. >.<

At ang Jesse na iyon, ang lakas ng loob lokohin siya. Wala pang lalaki nakagawa ng ganoon sa kanya. Kaya ganoon na lamang ang galit niya sa kasintahan. Di hamak naman na lamang siya sa babaeng kalampungan nito. Mas maganda at sexy siya. Obvious naman na cheap ito at walang taste lalo na sa fashion statement.

Unti-unting lumapit ang mga ito sa kanya. Mukhang hindi pa nakakahalata ang mga ito na nandoon din siya at pinagmamasdan lamang sila. 

Hanggang sa lumingon si Jesse sa kanya. At nanlaki ang mga mata nito sa pagkagulat. Hindi ata makapaniwala na magkukrus ang landas nila sa ganito pang eksena. 'Huli ka, buko na kita'.

"Ashley, what are you doing here?" tanong nito sa kanya.

Nilingon ng babae ang huli habang nakayapos pa rin sa binata, "Babe, sino siya?"

Nagtaas ng kilay si Ashley. 'So tama pala talaga ang hinala ko. Girlfriend niya ang bitch na ito'. 

Hindi mapakali si Jesse kung paano magpapaliwanag. Never in his wildest experience na nahuli siya ng kanyang mga girlfriend niya na niloloko niya ang mga ito. Dahil bago pa man mangyari iyon inuunahan na niya ang mga itong makipag break. Kaya naman litong-lito siya ngayon at di niya alam kung ano ang magandang palusot kay Ashley. Hindi pa naman siya nagsasawa rito kaya naman laking panghihinayang niya kung makikipaghiwalay siya agad dito.

May isang lalaki ang lumapit sa kanila at hinawakan nito ang kamay ni Ashley, "Nandyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap."

IS SHE CHEATING ON ME? WTF! NO ONE EVER DARE TO CHEAT ON THE WELL KNOWN JESSE MICHAEL CANTIVALEZ. HOW DARE HER'.

Ngayon si Ashley ay nabakasan ng pagkalito dahil nakalimutan niya kasama pala niya ang isa pa ka fling. 'Uh-oh! I smell trouble'.

She admit. Katulad din siya ni Jesse. Player din siya but never in her entire life she encounter that her  boyfriends is cheating on her. Is this what you called karma sa lahat ng mga boys na pinaiyak niya at iniwan ng lang basta-basta?

Both Ashley and Jesse look at each other. They both know something was wrong and what just happened will maybe somehow change everything.

Peerless RomanceWhere stories live. Discover now