Chapter 27

25.9K 774 141
                                    

Ongoing na ang mass para sa lamay ng pamangkin ni Detective Dante na si Eunice at kaibigan nitong si Sherrie.

Dagsa ang mga tao bilang pakikiramay—mga kamag-anak, kaibigan, katrabaho ng kanilang mga magulang at mayroon na rin ilang tauhan mula sa media. Mas lumaki na ngayon ang kaso. Mas marami na ngayon ang nakakaalam ng tungkol sa serial killer na nagtatago sa triple-face mask. At dahil dito, hindi na napigilan ang panic lalo na sa mga taga-NEU.

Usap-usap hanggang sa social media ang tungkol kay Triple-face Killer. Sino ba talaga ito? Ligtas pa nga ba ang mga taga-NEU sa kabila ng panganib ng serial killer na ito? Bakit hindi pa rin siya nahuhuli?

Napakuyom ang mga kamay ng detective. Nagluluksa pa rin siya ngayon ngunit mabibigyan lang ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang pamangkin at lahat ng mga biktima kung mahuhuli na niya ang salarin at ang kasabwat nito.

“Sir Dante...” Biglang lumapit si Rey sa kanya. Tulad niya, nakasuot na rin ito ng kulay itim bilang pakikiramay. “May katatanggap lang po na tawag mula sa opisina. Alam na po kung kanino yung motor dun sa crime scene. Estudyante po siya sa NEU, si Trent Lagasca. Nagpadala na po ng mga tauhan dun para sa questioning.”

Tahimik na tumayo si Dante. “Ako ang dapat na naroon.”

“Sabi ni chief, dito na lang po muna kayo sa lamay ng pamangkin niyo.”

“Hindi. Trabaho ko na bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Eunice at lahat ng mga biktima rito. Haharapin ko ng personal ang Trent Lagasca na yun.”

Nang magkaharap na sina Detective Dante at Trent, halata ang pagkabahala ng binatang estudyante ngunit pinayuhan naman siya na walang dapat ikatakot kung wala siyang itinatago. Bukod doon, may nalalaman siyang mga bagay na maaaring makatulong sa ikareresolba ng kaso.

Upang simulan ang imbestigasyon, nagpakita ng mga kuhang litrato ang detective kay Trent.  “Ikaw ba ang nagmamay-ari ng motor na ito?”

Isang tingin pa lang ni Trent ay alam niyang sa kanya nga ang motor na iyon. Bukod kasi sa hindi binago ang ayos nito, hindi man lang din tinanggal ang plate number nito. “Opo, saakin nga po yan. Pero ninakaw po saakin yan kamakailan lang.”

“At nai-report mo naman sa pulis na ninakaw yun?”

“Opo, pati nga po yung camera ko ay ninakaw niya.”

“Maide-describe mo ba saakin yung itsura ng magnanakaw?”

Panandaliang natahimik si Trent. Sa tuwing inaalala niya yung magnanakaw, laging naninindig ang balahibo niya. “Isang lalaking nakasuot po ng maskara. Katulad dun sa suot na maskara ng lalaking kasama nina Sherrie dun sa video.”

Muling naglabas ng litrato si Detective and this time, screneshot ito dun sa videong tinutukoy ni Trent. “A triple-face mask?”

Psycho's Love Interest ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon