Chapter 23

29K 884 215
                                    

 WARNING: Violence, language, strong sexual content including dialogue may not be suitable for very young readers.

Malakas na kabog ng dibdib. Nangangatog na mga tuhod. Nagbubutil na malamig na pawis. Natutuyong lalamunan. Nananalangin ng mahina sa isip. Kulang ang mga salita upang ipaliwanag ang takot na nararamdaman nila Eunice at Sherrie sa harap ng isang ‘di kilalang tao na nagtatago sa isang maskarang may tatlong mukha.

Nakakatakot. Isang demonyong hindi nila mawari kung ano talaga ang nararamdaman sa mga oras na ito.

“YOU’VE BEEN VERY BAD GIRLS.” Tahimik na binasa nina Sherrie at Eunice ang mga isinusulat ni Triple-face sa kanyang whiteboard. “I’M HERE TO TEACH YOU SOME SERIOUS LESSONS.”

“What did we ever do to you?” Lakas-loob na nagtanong si Eunice.

“I DIDN’T HEAR YOU CALLED ME MASTER.”

“Master?”

“YOU F*CKED UP!” Halatang sobrang gigil si Triple-face nang isulat niya yun. “YOU MESSED UP WITH THE WRONG PERSON! MY GIRL!”

Nagkatinginan sina Eunice at Sherrie. Pareho sila ng iniisip—sino yung babaeng tinutukoy ng kidnapper nila? Sa dami ng mga babaeng na-bully nila, mahirap itrace kung sino yung pinaka may malalang motibo para maghigante sa kanila ng ganito.

“NOW, LET’S MAKE THIS QUICK AND SIMPLE… I WILL GIVE YOU ORDERS… YOU BITCHES WILL FOLLOW.”

“What if we don’t… Master?” Pagmamatigas ni Eunice.

“SEE THIS KNIFE?” Sa ilalim ng mga salitang iyon ay may drawing ng arrow na nakaturo sa kinaroroonan ng tinutukoy nitong kutsilyo. “I’M GONNA SLICE YOU. CUT YOU. STAB YOU.” He wrote with an evil smiley face. “I'M GONNA KILL YOU. SLOWLY. DIRTY. PAINFULLY.”

Napalunok ng hangin ang dalawang dalaga. Si Sherrie na kanina pa tahimik at may mahinang loob ay nag-iiyak na at nagmakaawa. “Please! Don’t do this to us! Kung ano man ang kasalanan namin sayo—at sa girlfriend mo, patawarin mo kami!”

Hindi nagtagal ay sinundan na rin ni Eunice ang pagmamakaawa. “We’ll do whatever you want, Master!” Halos naiiyak niyang sabi.

“GOOD! THEN LET’S START!” Natutuwang sabi ni Triple-face sa kanyang whiteboard at may higante pang smiley face. Halatang excited ito base sa kilos nito lalo na noong ibigay na niya ang kanyang unang utos. “STRIP.”

Nagkatinginan sina Eunice at Sherrie, at pagkatapos ay sa mga salitang idinagdag ng kidnapper.

“GET COMPLETELY NAKED.”

Kahit labag sa kanilang kalooban, nagsimula na silang maghubad sa harapan ng kidnapper nila. Hiyang-hiya sila ngunit mahal din nila ang buhay nila. Iniisip na lang nila na lilipas din ito, o may darating na tulong sa kanila.

Psycho's Love Interest ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon