Chapter 25

25.8K 796 185
                                    

Nang masabi na ni Richelle ang nangyari sa kanya doon sa convenience store kasama si Carlo, dali-daling tinutukan ni Shane yung CCTV na pina-install nila. Sa mga oras na iyon, nakatayo na nga si Carlo sa harap ng kanilang pintuan.

Nakikiramdam ito sa mga nangyayari sa loob ng apartment nila. At akma pa nga sana itong kakatok ngunit hindi rin itinuloy.

Kilabot ang bumalot sa buong katawan ni Richelle nang tumingala na lang si Carlo at tumitig sa CCTV nila. Para itong nakatitig mismo sa kanila. Alam nitong pinapanood nila siya kaya ngumiti pa ito, kumaway sa kanila at saka nag-flying kiss pa.

Balak na sana itong sugurin ni Shane ngunit napakapit sa braso niya si Richelle. “Wag na…” Pakiusap ng dalaga. Wala namang magandang maidudulot ang pagsugod niya at isa pa, nagpasya na ring umuwi sa sarili niyang apartment si Carlo.

“Wala na akong nakikitang solusyon dito kundi lumipat na tayo ng ibang apartment.” Saad ni Shane na hanggang ngayon ay tensyonado pa rin. “Hindi ako mapapakali hangga’t umaaligid sayo ang lalaking yun.”

Hindi naman na nakaimik pa si Richelle. Sang-ayon na siya dahil mas mapapalagay ang loob niya kung hindi na niya makikita pa ang Carlo na yun. Ang kaso, may pag-aalinlangan din siya. Sigurado ba si Shane na lumipat na ng ibang apartment? Paano na silang dalawa ni Darcie?

Nangangati na siyang itanong iyon ngunit kinagat na lamang niya ang dila niya para hindi ito ituloy. Hindi alam ni Shane na alam na niya ang tungkol sa kanila ni Darcie.

“Saan ka nga pala nanggaling?” Yun na lang ang itinanong niya. “Kumain ka na ba?”

Sandaling napatitig si Shane sa kanya. Medyo napangiti pa nga ito pero, “Nakipagkita ako kay Uncle Greg. At hindi pa ako nakakapag-dinner.”

Napatayo na si Richelle at agad na kinuha yung mga pinamili nila. “Sige tatapusin ko na yung niluluto ko.” At para hindi na tuluyang masira ang gabi nila, hindi na nila pinag-usapan pa si Carlo.

Ilang minute pa at natapos din ang niluluto niya. Ngunit hindi tulad ng dati, tahimik lang nilang pinagsaluhan ang hapunan. Marami pang bagay silang dapat pag-usapan—ngunit pareho nilang napagkasunduan na ipagpaliban na muna ang mga bagay na iyon.

Gusto nila pareho ng katahimikan. Pareho silang pagod... parehong namimiss na rin ang isa’t isa.

= = = = =

Nag-convoy na ang mga sasakyan ng pulis at isa pang ambulansya patungo sa lumang estasyon ng pulis na halos tatlong oras din ang byahe. Umaasa ang team nila na matatagpuan pang buhay ang dalawang dalaga dahil ayon dun sa video, kaninang 12:30 lang ito ng hapon kinunan at 7 PM naman inupload.

Habang nasa byahe at tahimik sa loob ng sasakyan, may mga ilang puna at ebidensya na rin ang nabubuo na sa utak ni Detective Dante habang inaalala yung masalimuot na video. Inililista niya ang mga ito upang hindi makalimutan.

Psycho's Love Interest ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon