Chapter 15

33.3K 895 112
                                    

Tatlong araw na may pasok ngunit piniling umabsent nina Richelle at Shane. Matapos ang insidenteng may kinalaman kay Carlo, lumipat na si Richelle sa apartment ni Shane—tuloy na talaga ang pagsasama nilang dalawa.

Gusto pa nga sana ni Shane na malipat sila sa ibang floor para mas malayo kina Carlo, pero dahil wala naman nang ibang bakante sa building na yun kaya wala na silang nagawa kundi manatili roon. Inisip na lang nila na at least, napagigitnaan naman nila yung nabakanteng apartment ni Richelle. Hindi man ganun kalayo ngunit may sapat nang distansya.

Bukod doon, nagpa-install na rin ng mga security cameras si Shane sa balcony at sa entrance ng apartment bilang dagdag seguridad. Kung may balak pa na masama si Carlo, mas handa na sila.

Nagdaan pa ang Sabado at Linggo, at dumating ang araw ng Lunes. Simula na ng foundation week sa North Erden University. Wala namang masyadong namiss ang magkaibigan noong mga araw na hindi sila pumasok—liban lang kay Richelle na may namimiss na isang tao. Si Zenn.

Kataka-takang hindi na naman uli ito nagpaparamdam. Hindi maiwasang isipin ni Richelle na maaring may tampo pa nga si Zenn sa kanya.

Busy na ang lahat, lalo na ang mga school orgs at mga estudyanteng nagtayo ng kani-kanilang booths. Sa panahon din kasi na ito ay bukas ang university sa mga outsiders. Si Richelle na hindi pa naman kabilang sa kahit na anong organization ay nakatambay lang at nagmamasid.

‘Sana pala, hindi na rin ako pumasok ngayon.’ Pagmamaktol niya sa isip. ‘Kung sana man lang nagti-text o nagri-reply si Zenn, hindi sana boring ngayon.’

Napabuntong-hininga siya, at saka sinilip ang cellphone. Puro texts lang ni Shane ang natatanggap niya—at may recent text pa uli galing dito. Nag-aaya si Shane na makipagkita sa kanya at dahil wala nga naman siyang ginagawa kaya agad niya itong pinuntahan.

“Oy!” Salubong ni Richelle nang magkita uli sila ni Shane. “Bakit? Anong kailangan mo?”

 

“Wala akong magawa eh. Nakatambay lang. Eh ikaw?”

 

“Tambay lang din. Sunud-sunod na hindi natuloy yung klase ko kanina. Baka yung mga susunod na class ko mamaya, tamarin din na magturo yung prof.”

 

“Ganun talaga kasi foundation week. Maglibut-libot na lang muna tayo.” Pag-aaya ni Shane saka ito umakbay kay Richelle.

“Uwi na lang tayo. Ang boring eh.”

 

“Mas boring kapag umuwi tayo agad.” At nagsimula nang maglakad si Shane. “May naisip akong puntahan. Yung NEU Museum.”

 

“Ha?”

 

“Marami akong mga kaibigan na tuwang-tuwa dahil sa wakas daw ay nai-display rin yung mga gawa nila. Gusto ko lang tignan.”

 

Psycho's Love Interest ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon