Chapter 12

37.3K 975 175
                                    

NEU Museum.

Hindi ito ang unang pagkakataon na napasyal si Richelle sa museum ng university nila. Noong unang beses na nakapasok siya rito ay noong ipinasyal siya ni Shane bago siya mag-entrance exam.

Ang dahilan kung bakit siy amuling napadpad sa lugar na ito ay dahil inaya siya ni Zenn na mag-bonding doon. ‘Parang date lang.’ Paga-assume niya.

Ngunit dahil hindi pa rin niya masyadong kabisado ang pasikot-sikot ng school museum nila, hindi niya malaman kung nasaan si Zenn. Tinitext niya ito ngunit hindi pa nagre-reply.

Nasa bungad pa lang siya ay napapahanga na siya sa mga nadadaanang paintings na nakasabit sa dingding. Puro artworks ng mga NEU students ang naroroon at napagkwentuhan nga nila noon na pangarap ni Zenn na mai-display rin balang-araw ang isa sa kahit na anong painting o wire sculpture niya.

Tila ba masyadong nawili si Richelle sa mga nakikita niya na hindi na niya napansin ang dalawang babaeng makakasalubong na niya. Nabunggo niya ang mga ito, ngunit isa sa mga yun ang umaktong para bang sobra itong nasaktan.

“Bulag ka ba!” Sigaw nito.

Masyadong OA ang naging dating nito kay Richelle ngunit dahil alam niyang siya naman ang may kasalanan, “So—sorry… ‘di ko sinasadya.”

“Talaga lang? Ang laki-laki ng daan, tapos hindi mo sinasadya?”

Hindi na nakaimik pa si Richelle. Para bang nanliit siya sa mga matatalas na titig ng babaeng kaharap niya lalo pa at namumukhaan na niya ang mga ito.

Si Sherrie Chen, captain ng cheerleading squad ng NEU. Ex-girlfriend ng bestfriend niyang si Shane. Yung isa namang babae na kasama ni Sherrie ay si Eunice Zamora. Sa pangalan lang ito kilala ni Richelle. Ngunit sa pagkakaalam niya, ang dalawang babaeng kaharap niya ay ang magkaibigang hindi mo dapat binabangga sa NEU—at hindi lang literal ang ibig sabihin nun.

Naikwento na sa kanya ni Shane ang ugali ng dalawang magkaibigan na yun. Parehong maimpluwensya kaya nga nagagamit nila ito para masunod lahat ng kamalditahan nila. Iyon mismo ang dahilan ni Shane kung bakit siya nakipag-break kay Sherrie. At batid ni Richelle na kapag pumatol siya sa kanila, hindi lang away ang magaganap kundi gulo. Malaking gulo.

“Sorry ulit.” Nakayukong sabi na lang ni Richelle at may halong pagtitimpi. Hindi naman din kasi siya ang tipong magpapa-api o magpapabully lalo na kung wala naman siyang ginagawang mali. Pero sa pagkakataon ito, nilunok niya ang pride niya at nauna nang umalis.

Ngunit ‘di pa man siya lubusang nakakalayo, narinig niya ang boses ni Sherrie na nagbabanta.

“I know a bitch when I see one. So you better watch your back, girl!”

Huminga ng malalim si Richelle upang pigilan ang sarili na lingunin pa sina Sherrie at Eunice. Ikinalma niya ang sarili at kunwaring wala na lang narinig.

Psycho's Love Interest ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon