Chapter 14

32.7K 965 157
                                    

“Iche? Iche?”

Naalimpungatan si Richelle nang marinig niya ang boses ng best friend niyang si Shane. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa sofa. Alas-tres pa lang kanina noong huli niyang tignan ang orasan, pero ngayon ay alas-sais na pala. Tatlong oras agad ang lumipas.

“Hey, are you alright?” Nag-aalalang tanong ni Shane. Sobrang lapit ng mukha nito sa kanya, at humawak ito sa pisngi niya para alamin kung may sinat o lagnat ba siya. “Nag-alala ako sayo. Hindi ka uli nagri-reply sa mga texts ko. Buti nasabi saakin ni Trent na nakita ka raw niya na pauwi na kanina.”

“Si… si Trent?”

“Yung kaibigan ko. Hindi mo na siya naalala?”

“Naalala ko siya.”

“Bakit ka ba umuwi mag-isa? Diba lagi na nga kitang ihahatid pauwi.”

Hindi na nakasagot si Richelle. Hanggang ngayon, parang di pa rin siya nahihimasmasan sa mga nangyari sa kanya kanina. Napabuntung-hininga siya at nagtakip ng mukha niya gamit ang mga palad niya.

“May nakita pala ako kanina, Iche.” Sabi bigla ni Shane at saka ipinakita sa kanya ang isang bagay na hindi niya inaasahan. Isang retaso ng pamilyar na tela. Nangingitim ang mga gilid nito, nagpapakita na sinunog ito. “Pagdating ko kanina, nagtapon ako dun sa drum kung saan madalas na nagsusunog ng mga basura yung mga kapit-bahay natin. Nakita ko yan… at naisip kong kapareho yan ng tela dun sa jacket na ipinahiram sayo ni Zenn.”

Napatitig si Richelle sa sunog na retasong hawak niya. Bigla niyang naalala ang nangyari noong oras na malaman niyang nawawala na ang jacket. Noong umagang paalis na sana sila ni Shane papasok sa NEU, nakita pa niya ang chismosang kapit-bahay na si Darcie. Nasa akto ito ng pagtatapon ng basura at saka ito niliyaban ng apoy. At habang ginagawa yun ni Darcie, nakangisi at nakatitig ito sa kanya.

‘Si Darcie… si Darcie nga.’ Sabi ni Richelle sa isip. Tama nga ang hinala niya sa babaeng iyon. At hindi na niya mapigilan na hindi matakot sa nangyayari. Ano ang dahilan ni Darcie para gawin yun? Yung target ba nila na magkaibigan ay siya at si Shane mismo?

Dahan-dahan ay pumatak ang mga luha ni Richelle.

“Iche? Bakit umiiyak ka na?”

“Shane… Shane, natatakot ako.”

“Kanino ka natatakot? Kay Zenn? Babayaran na lang natin yung jacket niya—”

“Hindi yun…”

“Eh ano?”

Napahagulgol na si Richelle. Hindi niya masabi ang tunay na dahilan. Dahil paano nga ba niya ipaliliwanag?

Psycho's Love Interest ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon