#19: JAIL

5.4K 166 15
                                    

Namiss kong i-update si Fafa Jared! *O* 

***

Kabanata 19: JAIL Fans Club

 

-Saerin Gail’s POV-

 

Bangag na naman akong lumabas ng classroom, pakiramdam ko talaga walang pumasok na kahit ano sa utak ko, lutang na lutang talaga ang isipan ko ngayon dahil sa ginawa ni Jared kahapon. Shemay, hindi na ako nakatulog ng maayos dahil parang ewan na pabalik-balik yung mga sinabi ni Jared kagabi. Shems! Kinikilig talaga ako!

“Hoy babae!” napatigil ako nung may biglang humatak sa akin dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. “Kanina ka pa namin tinatawag pero hindi mo kami nililingon” dugtong pa nung humatak sa akin. Nilingon ko sila at nakita ko sina Asha at yung iba pang sinasabi niyang members daw ng fansclub namin ni Jared.

‘Jail’, yung pangalan nung ‘club kuno’ nila at sabi nila malalim daw yung pinanghugutan nila sa name na yun, ewan ko ba sa kanila. Kinikilabutan nga ako sa mga ginagawa nila ngayon eh, pakiramdam ko naging center of attention na ako mula nung malaman nila na ‘girlfriend’ niya ako.

“Ba--bakit?” medyo wala sa katinuang tanong ko sa kanila. Tinignan naman nila akong lahat ng masama at tsaka ako mahinang binatukan ni Asha. Napanguso akong tumingin sa kanya.

“Kanina pa kami nagsasalita dito di mo man lang kami pinapansin!” aniya at tinuro pa yung mga kasama niya sa likuran na marahang tumango-tango.

“Huh? Sorry ha, di kasi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya wala ako sa tamang katinuan” napayukong sabi ko at nagulat ako nung bigla silang lumapit sa akin lalo na si Asha na hinawakan ako sa magkabilang balikat.

Napakunot naman ang noo sa ginawa nila. Minsan hindi ko alam pero ang OA na nila, kailangan lagi silang updated sa mga nangyayari sa akin at dun kay Jared, parang ewan lang. Natatakot na tuloy ako na baka malaman nilang nasa iisang bahay na lang kami nakatira nung lalaking yun. Geez…

“Whut?! Hindi ka ba pinatulog ni Jared ha girl?” halos nagfrefreak out na sigaw ni Asha sa akin. Nakakunot ang noo kong tumingin sa kanya at doon sa iba na parang interesadong malaman yung sagot sa tanong niya.

Hayyy, oo nga kasalanan talaga ni Jared kung bakit hindi ako nakatulog. Ang dami niya kasing alam eh! Nakakainis, baka nga playboy talaga yun! Tsaka nagulat talaga nung malaman kong mahal niya ako, like what, isang Jared Montello mamahalin si Gail Dela Cruz? Parang yun na ata ang pinaka-kornyng joke na narinig ko. Pero… geez hindi ko pa rin talaga mapigilan eh. Iba yung epekto nung mga sinabi niya eh, pakiramdam ko nasa isang libro ako ng mga sandaling iyon. Ramdam ko yung sincerity at pagiging seryoso sa kanya. He loves me, and I’m falling for him too.

Kyahhhhhh~

“Uhm, ano… oo?” nahihiyang pag-amin ko at nagulat ako sa naging reaction nila, halatang gulat na gulat sila at after ilang sandali may mga biglang tumili at niyugyog yung mga katabi nila. Napataas naman ako ng kilay sa ginawa nila.

“Oh my gosh?! Hindi mo sinabi sa akin na… na… oh my ghad girl! Wala ka pang eighteen, sana nag-antay kayo ng sabado bago kayo nag-ano. Teka? May masakit ba sa’yo o something?” nag-aalalang tanong ni Asha sa akin.

“Medyo masakit yung ulo ko--“ hindi na niya ako pinatapos nung sumigaw siya agad/

“Oh my ghad?! Buntis ka na agad? Agad-agad?” nagfreak out si Asha nun pati na yung iba pero mas nawindang ako sa sinabi nila.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon