#37: Hindi Pwede

4.1K 133 21
                                    

Kabanata 37: Hindi Pwede

 

-Saerin Gail's POV-

 

"Jared..." halos wala ng boses na sabi ko.


Unti-unti siyang naglakad palapit sa amin ni Darryl. Cool lang si Darryl na nakatingin sa kanya samantalang ako ay halos lamunin na ng nerbiyos sa pwedeng maging reaksyon ni Jared sa nakita niya. Natatakot ako na baka saktan niya si Darryl katulad nung nangyari nung lumabas siya ng ospital.


"Uhm, ano-" I said trying to keep cool when Jared interrupted me.


"Tara na sa loob, gabi na. Maybe you're tired you should take a rest" he said in a low cold tone. Napatingin ako sa kanya ng diretso at napansin ko pa rin yung cold aura niya. Tumingin siya kay Darryl at napansin ko ang pagtalim ng tingin nila sa isa't isa.


"Go home" seryosong sabi ni Jared.


Magsasalita pa sana ako nung kunin sa akin ni Jared yung dala kong bag at hinawakan ang kamay ko tapos ay marahang hinatak palapit sa kanya. Napatingin ako kay Darryl habang mataman lang siyang nakatingin sa aming dalawa. God, ano na bang nangyayari? Why do I feel that there's a tension between them?


"Thank you for today, Gail. I really enjoy being with you, next time ulit?" aniya. Natigilan naman ako sa sinabi niya at bigla kong naramdaman ang paghigpit ng hawak ni Jared sa kamay ko.


"Ahh, a-ano sige, thank you din. Ingat ka. Bye" sunod-sunod na sabi ko at pilit na ngumiti sa kanya. Lalo tuloy akong kinabahan kasi pakiramdam ko lalong sumasama yung aura ni Jared sa tabi ko.


"Yeah, sure" aniya at sinulyapan niya si Jared. "Ingat ka rin" he added. Muli niyang tinignan si Jared at ngumisi bago siya naglakad papunta doon sa sasakyan niya.


Hindi ko na naantay na makaalis si Darryl ng halos hatakin na ako ni Jared papasok. Hanggang sa makarating kami sa unit ay pareho kaming nanatiling tahimik. I want to say something about what he saw a while ago but I really don't know what to say. Alam ko namang nakita niya yung nangyari.


Nung makapasok kami ay agad niyang binitawan yung kamay ko. Nilapag niya yung bag na hawak niya doon sa couch at dumiretso siya papunta sa kusina. Huminga ako ng malalim at sinundan siya, nadatnan ko siyang umiinom ng tubig. Bumuntong hininga ako at napakapit doon sa isang upuan habang bumubwelo sa kung paano ko siya sisimulang kausapin.


"Jared, yung tungkol sa nakita mo kanina-" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng bigyan niya ako ng isang malamig na tingin.


"Magpahinga ka na," mariing sabi niya habang nakatingin sa akin. "I need to do something" after he said that he walked away leaving me somehow embarrassed.


Tinignan ko siya hanggang sa makapasok siya sa kwarto niya. I closed my eyes and sighed. God, what am I going to do right now? Pakiramdam ko hindi ako makakapagpahinga lalo na ngayong binibigyan ako ni Jared ng cold treatment niya.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon