#40: Fine

2.6K 71 7
                                    

Kabanata 40

Fine.

-Saerin Gail's POV-

Dumiretso ako sa kwarto ko pagdating ko ng unit. Nakapatay pa ang ilaw sa buong bahay kaya sigurado akong wala pa si Jared. Pagkalapag ko ng gamit ko ay kaagad akong humiga sa kama at niyakap yung unan na nakuha ko.

Mali ba ang desisyon ko na manatili sa tabi ni Jared? Dapat ba talaga akong lumayo sa kanya?

Binaon ko ang mukha ko sa unan ng muli na namang umiyak. Pakiramdam ko ngayon parang hindi sang-ayon ang mga nangyayari sa mga gustong naming mangyari ni Jared. I want to stay with him until we're okay but.I think I can't do it anymore. Kailangan kong bumitaw.

Kung kailan malalim na yung nararamdaman ko para kay Jared tsaka pa kailangang mangyari lahat ito. I just can't easily let go of him right now but if it's needed then I have to.

Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na yung pag-iyak ko. Nang magising ako ay naka-kumot na ako at nakapatay na yung ilaw sa buong kwarto ko bukod sa lampshade na nasa tabi ng kama ko.

Bumuntong hininga ako at napatingin sa kisame. Dati gusto kong lumayo kay Jared pero ngayon hindi ko na kaya. Bumangon ako at kinuha ko yung phone ko sa bag. Nag-aalinlangan kong tinipa ang numero ng alam kong makakatulong sa akin ngayon.

Huminga ako ng malalim ng mabilis na sinagot nito ang tawag ko.

[Gail?] malumanay na wika niya.

"Hello Ma?" mahina kong saad. "Kamusta na po kayo?" tanong ko at pilit na pinagaan ang tono ko.

[Ayos lang kami ng Papa mo, 'nak. Ikaw? kamusta ka na?] tanong niya sa akin. Bahagya naman akong napayuko.

"Ayos lang po ako, Ma" bahagya akong tumigil. "Ma, pwede po ba akong umuwi sa atin ngayon? Diyan po muna ako mag-stay hanggang sa matapos po yung term na 'to."

[Bakit? May problema ba kayo ni Jared ngayon?] tanong niya sa akin.

"Wala naman po, nami-miss ko lang po kayo ni Papa." pilit akong tumawa. "Ayos lang po ba 'yun, Ma?" tanong ko ulit.

[Ayos lang naman sa amin 'yun, anak. Nami-miss ka na rin namin ng Papa mo. Kailan ka ba uuwi dito?] tanong sa akin ni Mama.

"Bukas po ng maaga, nandyan na po ako." huminga ako ng malalim. "Salamat po, Ma. I love you po." bahagya akong ngumiti.

[I love you din, Gail. Magpahinga ka na ha? Papasundo na lang kita sa driver natin bukas. Good night!]

"Sige po. Good night din po." yun na lang ang nasabi ko at ibinaba na yung phone ko. Nilapag ko ito sa table at lumabas ng kwarto.

Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig at kumain. Nakita ko na may nakahandang pagkain sa mesa. Sumulyap ako sa kwarto ni Jared sandali at muli akong tumingin doon sa pagkain. Umupo ako at nagsimulang kumain.

Naalala ko yung sinabi ni Darryl kanina. Yung tungkol sa Kuya niya at sa mga gusto niyang mangyari. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya. I don't know if I will blame Jared or not. Wala naman kasi talaga siyang kasalanan not unless he took advantage on the situation. Hindi ko rin naman alam ang nangyari.

Pagkatapos kong kumain, maghugas ng pinag-kainan at magligpit ay papasok na sa ako ng kwarto ng makita kong lumabas ng kwarto si Jared. Nagtama ang tingin naming dalawa pero kaagad din akong umiwas at mabilis na pumasok sa kwarto.

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang bumukas yung pinto at pumasok si Jared.

"Jared..." mahinang tawag ko sa kanya.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon