#12: Iisang Bubong

5.3K 169 8
                                    

Author's Corner: 

Grabe, hindi ako makapaniwala na padami na ng padami ang nagbabasa nito. Sobrang nakaka-overwhelmed. Thank you guys! At ngayon, may Book Cover na itu! Thank you @capricornangel para sa magandang cover na ito :) 

*** 

Ika-labing Dalawang Kabanata: Iisang Bubong

 

-Saerin Gail’s POV-

 

I hide myself behind the door, para di nila ako mapansin at para marinig ko yung usapan nila. Madami talaga akong tanong at baka masagot iyon sa pakikinig ko ng usapan nila, kahit alam kong masama yung ginagawa ko. Eavesdropping.

At tsaka hindi ko alam na magkakilala pala si Jared at Darryl, I don’t know pero may kakaiba talaga akong nararamdaman eh. Parang may mali.

Tsaka ako ba yung tinutukoy niya? Pambabakod? Three years? Weird.

“Yes, I’m finally happy that she already noticed me. Happy?” sabi ni Jared sa kanya pero hindi ko makita ang reaksyon niya dahil nakatalikod siya sa akin. Nakita ko ang pagngisi ni Darryl, actually nagulat ako, hindi ko pa nakikitang ganito si Darryl, ngayon lang.

“Pero hindi ka niya mahal! And I will never let that happen, mas lamang pa rin ako sa’yo!” singhal sa kanya ni Darryl.

Kinabahan ako bigla sa mga naririnig ako, hindi naman sa ano but I’m currently assuming na ako yung tinutukoy nila, parang gusto kong manghimasok sa usapan nila at tanungin sila kung anong meron pero hindi eh, ayaw gumalaw ng katawan ko. Parang gusto ko lang makinig sa kanila.

“I don’t fckng care, she’ll end up with me no matter what, at tama ka after three years of hiding behind her back napansin na niya ako, kilala na niya ako and now she’s marrying me. Hindi na ako papayag na masayang ang tatlong taon na yun” kalmadong sabi Jared, that caused Darryl to clenched his jaw, nakakuyom na rin ang kamao nito na akmang susuntukin si Jared.

At ngayon napatunayan ko na ako talaga yung pinag-uusapan nila.

Sa totoo lang biglaw humataw sa bilis yung tibok ng puso ko sa sinabi ni Jared, ramdam mo yung possessiveness sa pagkakasabi niya nun. Napatulala na lang ako sa kawalan at inaabsorb ang mga sinabi niya, ngayon parang unti-unti ng nabubuo yung talagang confusion sa utak ko. Yung tanong na alam kong masasagot ng lahat ng iba pang tanong na nabubuo sa utak ko.

Anong meron sa three years?

“Hindi ka talaga papayag na mapunta siya iba no? Then, hindi rin ako papayag na mapunta siya sa’yo! I’m taking my revenge against you Jared! Dahil sayo kaya namatay ang Kuya ko, hindi siya naging masaya, and you too don’t deserve to be happy!” bulyaw pa sa kanya ni Darryl.

Nanlamig ako bigla sa sinabi niya. Alam kong may namatay na kuya si Darryl four years ago, car accident daw yung kinamatay pero hindi ko maintindihan kung anong connect ni Jared doon? At ano tong naririnig ko? Hindi ako makapaniwala, bakit pakiramdam ko ang komplikado ng mga bagay sa likod ko.

“It’s not my fault! Hindi ko ginusto yung nangyari sa kanya, hindi ko naman inagaw si kanya si Alice in the first place—“

Hindi na natuloy ni Jared yung sasabihin niya nung bigla siyang kwelyuhan ni Darryl, nakikita ko yung galit sa mata niya and it scares me. Malayong-malayo sa Darryl na lagi kong nakakasama. Napatakip ako ng bibig dahil sa gulat, parang gusto kong pumagitna sa kanila pero hindi pa rin ako makagalaw.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon