#31: Stay

4.7K 151 12
                                    

Kabanata 31: Stay

 

-Saerin Gail’s POV-

 

“Kamusta na si Jared? Ikaw?” nag-aalalang tanong sa akin ni Asha.

Napatingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti. Hinawakan ko ng mahigpit ang mug na nakapatong sa table gamit ang dalawang kamay ko sabay yuko. Huminga muna ako ng malalim bago tumingin ng marahan kay Asha.

“He’s fine, mamaya na ang labas niya sa ospital” mahinang sabi ko at pilit na ngumiti.

Bumuntong hininga naman siya at tinignan ako ng seryoso, then again she sighed exasperatedly.

Isang linggo na ring nasa ospital si Jared. He went to many treatments and therapies within those days, and now I can say that he’s okay… at least he is. Ngayon, uuwi na siya at doon na lang sa bahay magpapahinga para tuluyan siyang maka-recover. And I need to be with him. Yun lang ang magagawa ko ngayon para sa kanya. I don’t have any concrete plans aside from it. Sa ngayon, medyo naguguluhan pa rin ako.

“Ikaw? Kamusta ka na Gail?” seryosong tanong niya sa akin. I sighed.

“A-ayos lang ako” halos pabulong na sabi ko. I avoided her gaze and looked away.

“Talaga? After nung nangyari nung nakaraang linggo ayos ka lang ngayon? Really Gail?” she sarcastically said. I looked at her and was about to say something when I stopped before I start.

Huminga ulit ako ng malalim at pumikit pero agad ko ring ibinalik ang tingin ko sa kanya.

“You… you lied to me” nasasaktang sabi ko sa kanya. Napaawang naman yung bibig niya habang nakatingin sa akin. I smiled bitterly.

“Gail…” she softly said.

“Alam mo rin yung tatlong taon na yun di ba? Pero hindi mo man lang sinabi sa akin, I thought you’re my friend, you’re on my side pero paano mo ‘to nagawa sa akin? Paano niyo nagawa sa akin ‘to ni Darryl? Bakit kailangan niyo akong pagmukhaing tanga sa loob ng mahabang panahon?” I stopped when I felt that tears are about to fall. Huminga ako ng malalim at naikuyom ko ang kanang kamay ko.

“Gail, alam mo kasi--“ I cut her.

“I don’t know how everyone able to talk to me like everything’s fine and normal but then it’s not. Niloko niyo akong lahat, all this time lahat ng tao sa paligid ko pinagmukha akong tanga, kino-control ako. Akala ko pa naman, naiintindihan niyo ako, akala ko alam niyo yung nararamdaman ko. Pero hindi pala…” I sobbed. Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak.

“Gail, kaya lang naman namin nagawa yun dahil mahal ka namin. We want the best thing for you and--“ hindi na naman niya natuloy yung sasabihin niya nung bigla kong nahampas yung kamay ko sa table dahilan para magulat siya sa ginawa ko.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon