#9: Lumuhod?

6.7K 193 10
                                    

Dedicate ko ulit to sayo, hehehe. Natutuwa ako sa mga comment mo <3 <3 <3 Kinikilig ako <3 Thank you! :) 

***

Yey! Nagulat ako kasi sa last chapter sabi ko 700+ reads na to tapos ngayon 800+ na! Nakakakilig! Hehehe. Thank you po! <3 

***

Ika-siyam na Kabanata: Lumuhod?  

 

-Saerin Gail’s POV-

 

[Bruha ka! Bakit mo ko binabaan kanina?]

Kausap ko ngayon si Asha, andito ako sa kwartong tinutulugan ko sa bahay ni Darryl. Naayos ko na yung mga gamit ko. I’m going home, kahit naman kasi mag-stay pa ako dito ng matagal wala na rin naman akong magagawa.

“Uuwi na ako ngayon Asha,” I sighed, tinignan ko yung bag na nakapatong sa kama.

[Teka—What?! Bakit?! Teka, di ka namin masusundo ni Darryl--]

“Okay lang, tatawagan ko na lang si Darryl mamaya, kasama kong uuwi si Jared”

[Ahhh, o sige sasabihan ko na rin si Darryl—Oh my gosh! Wait, you mean kasama mong uuwi dito si Jared? As in si Jared Angelo Alano Montello? OMG! Kasama mo siya ngayon?! Nagkita na kayo?! OMG! SHET!]

Halos ilayo ko na yung phone sa tenga ko dahil sa sumisigaw na siya sa kabilang linya. Napangiwi na lang ako. Mukhang nahaharap na ako ngayon sa isang malaking issue, nararamdaman ko na dudumugin ako ng mga tao.

“Kasama ko ba siyang uuwi kung di pa kami nagkita? Yung totoo girl?”

[To, naman siyempre nadala lang ako ng emotions ko! Nagulat kaya ako, pero nagkita na talaga kayo, nagkausap? So siya na nga talaga? Oh my ghad, honestly speaking ang swerte mo girl, alam mo bang napapalibutan ako ng mga babae dito sa Wiesel?]

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya, kilala ko tong si Asha eh, alam kong totoo yung sinasabi niya. Langya to!

“Baliw ka talaga! Fudge Asha, nakakahiya!”

Nakaramdam tuloy ako ng kaba, paano ako haharap sa mga tao neto?

[Oo guys, si Gail tong kausap ko… Sandali nga!] rinig kong sabi niya, grabe so talagang may mga nakapalibot sa kanya ngayon?

“Asha…”

[Sorry Gail, ang dami kasing sinasabi ng mga tao dito eh, daming conclusions na sobrang nakakapanggigil! Pero anyways, we’ll just talk pag-uwi mo, masyadong maraming nakikinig eh] rinig kong pagtataray niya. I can imagine her rolling her eyes right now.

“Naiintindihan ko, pero Asha si Darryl…”

[I’ll talk to him later, ingat ka girl, see you]

“Okay—”

 

“Tapos ka na ba?”

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kay Asha nung narinig kong magsalita si Jared sa likuran ko. Napalingon ako at nakita ko siyang nakasandal sa pader na malapit sa pintuan habang nakapamulsa.

[Oh my ghad! May narinig akong nagsalita na boses lalaki sa background! Si Jared ba yan?!]

Biglang nabaling yung atensyon ko sa phone ko. Grabe, napapa-face palm ako sa utak ko ngayon. Ang dami ko ng issues ngayon!

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon