#18: Marry Me

5.5K 163 16
                                    

Kabanata 18: Marry Me

 

-Saerin Gail’s POV-

 

Nabalot ng katahimikan yung buong lugar, lahat sila gulat na nakatingin sa akin. Ilang beses na rin akong napalunok dahil sa kakaibang tingin sa akin ni Jared. Tumingin na lang ako sa gilid para maiwasan ang titig niya. Kinikilabutan ako eh!

Uhm, ano--“

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nung maramdaman kong hinawakan ni Jared yung kamay ko. Pakiramdam ko nagwawala na naman yung puso ko. Kaasar!

Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka pala dito?” he said with a soft voice. Yung boses niyang parang nanlalambing.

Unti-unti akong tumingin sa kanya at halos manlambot yung puso ko nung makita ko kung paano niya ako tinignan. The way he looks at me, it makes my heart beats fast. Sa titig niyang iyon ay parang bigla na lang nawala yung inis na nararamdaman ko sa kanya kanina. Parang nawalan ng silbi yung pagkainis ko dahil sa pag-aantay ko sa kanya ng matagal. Maamo ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Hindi ako nakapagsalita, nadala ako sa mga titig niya. Nagulat na lang ako nung bigla niya akong kabigin palapit sa kanya at yakapin. Oh my gulay! Niyakap niya ako sa harap ng mga empleyado niya!

Ja--Jared…” nanlalambot na tawag ko sa kanya. Hindi na ako makagalaw, nakakapanghina yung yakap niya. Kung hindi nga lang siguro niya ako yakap ng mahigpit pakiramdam ko babagsak ako.  

Tss. I guess, we need to prove to all of them that you’re also their boss, my boss” bulong niya sa akin bago ako pakawalan.

Yung lakas ng tibok ng puso ko talaga yung nararamdaman ko eh! Ang tindi! Nakakasuffocate!

Nakatingin lang ako sa kanya at sa hindi ko na alam kung ilang beses ay napalunok ulit ako. He leaned towards me and smiled. At halos lumabas na yung puso ko sa katawan ko nung maramdaman ko yung labi niya sa… sa…

.

.

.

.

.

Sa may pisngi ko!

Pakiramdam ko sobrang pulang-pula na ng mukha ko! Paano niya ‘to nagawa? Paano niya ako nagawang halikan sa pisngi sa harap ng maraming tao?!

“She’s my queen”

 

Halos lumabas na ang mata ko sa sinabi niya. At the same time, nagwawala na yung puso ko pati yung kung anumang nasa sikmura ko. Ni hindi ko na nga napansin yung mga taong nasa paligid namin.

“She’s also your boss, our bossseryosong saad niya sa mga taong nanunood sa amin.

 

Pinasadahan ko ng tingin ang mga taong nandito, at kita ko yung hindi makapaniwalang itsura nila habang titig na titig sa akin. Napalunok na lang ulit ako at napayuko.

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Pakiramdam komababaliw ako sa sinasabi niya. Grabe! Hindi talaga kinakaya ng puso ko, yung sobrang feels. Napatitig na lang ako sa kanya.

Naiintindihan niyo ba ako?” madiing sabi niya sa mga ito.

Hindi ko na inabala pa yung sagot nung mga empleyado sa kanya dahil titig na titig lang ako sa kanya.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon