Chapter 33.1 I Need Answers

40 0 0
                                    

ANIKA'S POV

Maaga akong nagising dahil sa panaginip ko. Hindi ko maintindihan. Pupuntahan ko sana si Cade pero hindi ko pa kaya. Hindi ko alam kung anong irarason ko kung malaman niyang umiyak ako kagabi dahil sa isang mababaw na bagay. Kya dumiretso ako sa baba. Nakatulala na naman ako. Parang unting unting nagkakaroon ng kasagutan ang mga nakalimutan kong parte noong bata pa ko.

Sino si Marie? Sino siya sa buhay ko? Bakit ganon ko siya pahalagahan noong bata pa ko?

Bakit nakita ko si Anya sa panaginip ko. Ano ang koneksyon niya kay Marie? Hindi ko maintindihan?

"Maris..." biglang may tumawag sakin. *dugtug dugtug* Ang pangalan na yon. Pero.... Hindi ko maintindihan...

Lumingon ako para silipin kung sino ang tumawag sa pangalan na yon. Pagkalingon ko may nakita akong matanda sa di kalayuan.

Napatakbo ako papunta sa kanya.

"Mamang Rosing?! Kayo po ba yan?" tawag ko sa kanya. Pagkalapit ko sa kanya ay niyakap ko siya. Maliban sa "Marie" na tumatawag sakin. Minsan si Mamang Rosing din tinatawag ako niyan pero sobrang dalang naman non.

"Namiss ko po kayo, buti po napadalaw kayo." Sabi ko sa kanya.

"Mukha nga iha. Namiss mo na ako. Buti at naalala mo pa ako." sabi naman niya. Naglakad kami papunta sa Garden.

Garden na to? Pamilyar. Ito ba yung garden sa panaginip ko?

"Oo naman po Mamang no. Bakit ko naman po kayo makakalimutan eh kayo lang po ang kaisa isang mamang ko!" sabi ko ng hyper. Pero sa likod ng utak ko. Nabother parin ako sa panaginip ko. Ano ang koneksyon sa buhay ko.

"Kala ko nga po kung sino ang tumawag sakin eh." Sabi ko na lang habang umuupo sa may mga upuan sa garden.

"Bakit meron ka bang iniexpect na tatawag sayo non maliban sakin Anika?" tanong niya naman. Naalala ko si Marie sa panaginip ko. Siya, pwede niya kong tawagin ng ganon. Hindi ko na lang muna sasabihin kay Mamang ang mga nangyari sa panaginip ko. Aalamin ko muna ito ng mag-isa.

"Anika? Tulala ka na naman? May iniisip ka ba?" tanong ulit ni Mamang na ikinabalik ko sa realidad.

"Po? Ha? Wala po. Hehe... May naalala lang. Wala naman po. Nagulat lang ako nung tinawag niyo ko non. Bakit po may tatawag pa ban g ganong pangalan maliban sa inyo?" pagbabalik ko ng tanong. Hinihintay ko ang kanyang sagot na para bang gusto kong sabihin niyang meron at si Marie iyon kahit hindi ko kilala si Marie.

"Wala naman iha. Ikaw talaga. Ang ganda mo ngayon. Mas naging kambal kayo.." sabi niya ngunit yung huli niyang sinabi ay hindi ko narinig.

"Ano po ulit?" sabi ko

"Sabi ko gumaganda ka ngayon iha. Pero ganon parin. Simple at nakangiti parin kagaya ng dati. Wala paring pinagbago. Ang maliit na si Anika ka parin. Nakakatuwa, simula ng umalis ako sa inyo at simula ng umalis ka sa bahay na yon para makipagsapalaran sa Maynila, araw araw kong pinupuntahan ang bahay niyo upang icheck. Haii... ang panahon nga naman. Noon ganito ka lang kaliit ngayon dalagang dalaga ka na.." sabi ni Mamang. Naalala ko na naman ang panaginip ko. Ang mga nangyari sakin noon. Alam kong yon talaga ang nangyari sakin pero bakit nakalimutan ko na? Bakit hindi ko maalala si Marie. Napahawak na naman ako sa kwintas ko. Pero everytime na hinahawakan ko ang kwintas ko nararamdaman kong may connection ito sa lahat ng nangyayari.

Nginitian ko na lang si Mamang. In time, masasabi ko rin kay Mamang ang mga nangyayari sakin ngunit sa ngayon ay ako muna ang didiskubre sa nakaraan ko.

"Mamang, magkita po ulit tayo sa susunod ha. Kahit dito nap o muna kayo manatili habang andito pa ko. Pupuntahan ko lang po si Mama." Sabi ko sa kanya.

RUN AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon