Chapter 27 Life is Fun with You

45 0 0
                                    

ANIKA’S POV

Ang sarap ng tulog ko. Napanaginipan kong kasama ko daw si Cade, tapos sinagot ko na daw siya tapos ikikiss niya daw ako tapos--- ano ba yon, sino ba tong humihimas ng cheeks ko? Panira ng panaginip ah. Nanatili akong nakapikit pero pilit kong inaalis yung bwisit na kamay na humihimas sa cheeks ko. =___=

Bakit ang kulit nung kamay, hindi makaintindi. Natutulog pa yung tao eh and worst na nanaginip pa ko.

Leche ayaw akong tigilan. Maaway nga to.

Dahan dahan kong minulat yung mata ko. At sa pagmulat ko. Isang gwapong nilalang ang nakatingin sakin. Siya ba si Adonis? Unti unti nagkakaron na ko ng vision kung sino yon. Ng marealize ko na kung sino yon? Napalaki yung mata ko O.O

“A-anong ginagawa mo dito?” gulat kong sabi pero infairness magandang panimula to start the day right, right? ;)

“Good Morning Anika, I just want to be the first one you see when you wake up. Bihis ka na and gala tayo” sabi niya ng nakangiti. Wow! Ang gwapo dre! >.<

“Morning. Parang hindi tayo laging magkasama ah?” hirit ko sa kanya.

“Oo nga eh. Kaya ba pangalan ko parin ang sinasambit mo pati sa pagtulog mo?” sabi niya O.o What???!!!! Talaga? >.< Nakakahiya. “Sige see you pagbaba mo, hintayin kita.” Sabi niya tapos lumabas na ng pinto.

Nagulat ako ng may biglang naghampas sakin ng unan.

“Wow ha! Swerte mo talaga girl, ang sweet ng soon to be boyfriend mo >////< nakakakilig kayo I swear!” sabi ni Cheska

“Oo nga. Pati sa pagtulog mo kasama mo parin siya dahil pangalan niya ang bukambibig mo haha!” sabi ni Shanaki. Nakakahiya.

“Kayo talaga. Nahiya na tuloy ako.” sabi ko naman.

“Go na, magpaganda ka na. maydate pa kayo ng prince charming mo. haha!!” sabi naman ni Cheska.

“Kayo ba?” tanong ko

“Malamang kasama kami no, barkada vacation trip to no. hindi date ng two sweet love birds. Pero for sure parang inyo lang ang mundo kapag magkasama na kayo kaya. Gora lang. haha! Sana ganyan din si Joem sakin.” Sabi ni Cheska

“Ay sus. Magparinig daw ba? Haha!” sabi ni Shanaki.

Habang nag-aasaran yung dalawa, nagwash up na ko. At nag-ayos.

Pagkababa ko, ready na kami to go sa kung saang adventure kaya gora bells na!

(Play niyo yung runaway by Avril Lavigne)

Nagsimulang pumunta ang barkada sa beach, oh my gulay! Actually nakasuot na ko ng swimsuit tapos ay nakatshirt ako, yung runaway with you. Terno kami ulit ni Cade :””””>Pero hindi ko hinuhubad no. hehe! 

Naglatag muna ng banig and umbrella, tapos magpipicnic kami. Nagsimula ng mantrip ang mga lalaki. Isa isa nilang binabasa sila Ate Bea, Tita, Shanaki, Cheska. Nakatwo piece na silang lahat. Ang gaganda ng katawan nila ha. Nakakahiya naman ako =_____= Nakaupo lang ako at pinapanuod ang barkada magtampisaw. Pati si Cade, ang hot ng body ng magkakabarkada ha. Mga abs naman oh. Nakakadrool. Chos!

RUN AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon