Chapter 30 Im Bothered

43 0 0
                                    

WARREN'S POV

Were still enjoying our vacation dito sa Tagaytay bago bumalik sa mga work. Mayaman din pala tong si Anika, sobrang simple niya lang kasi. Hindi halata sa kanya unlike kay Anya, pagkakita mo pa lang sa kanya mayaman na kasi may mga bodyguards na kahit ayaw niya. Sobrang laki nitong resort. Parang hacienda. Merong garden park tapos may parang beach dito, pwede kang magdiving, jetski, boating snorkeling at kung ano ano pa. tapos meron din silang wall climbing, rapelling, Zip line at marami pang activities. Sobrang rich din ni Anika, pwedeng ihanay samin. I wonder bakit hindi naming kilala angkan nila?

Nagplanong mag barbeque party ang barkada sa pool. Magswimming party kami. Busy ang lahat, yung iba nagbabarbeque tapos yung iba lumalanggoy na. Wala pa pala dito si Anika? Nakita kong mag-isa si Cade umiinom ng beer kaya nilapitan ko.

"Mag-isa ka diyan? Girlfriend mo?" tanong ko sa kanya habang tumatabi sa kanya at nagbubukas ng beer din.

"Nasa loob pa si Anika. Nagbibihis siguro." Sagot lang ni Cade sakin. Mukhang may problema to ah.

"Nangyari sayo? May problema ba kayo ni Anika?" tanong ko ulit.

"Ha? Wala no. Wala to." Sabi ni Cade sabay inom ng beer. Alam kong may problema to eh.

"Kung wala kayong problema ni Anika then bakit ganyan ang itsura mo parang sobrang bothered." Sabi ko naman. I need Answers Men!!! Tell me =______=

"Wala nga kaming problema ni Anika, haiii... kasi naman ewan ko kung bakit kada actions ni Anika nakikita ko si Anya. Simula ng naging kami ni Anika ewan ko kung bakit biglang nagflashback sakin si Anya. Lalo na kagabi nung sinabihan niya ko ng I love you... bigla niyang sinabing Always and Forever na si Anya lang ang nagsasabi. " pagoopen up na ng topic ni Cade, kaya pala ganito itsura nito eh.

"Sus, ikaw masyado mong iniis-stress sarili mo. Diba move on ka na kay Anya. May Anika ka na eh. In fact, 1 week na kayo na Anika. Bakit kelangan mong icompare si Anika kay Anya, they are different person. Sa pangalan pa lang eh." Sabi ko naman. Tama naman diba?

Napansin naming dumating na si Anika at nakat-shirt siya, malamang nakaswimsuit yan sa loob. Binati niya kami ni Cade tapos nagpaalam kay Cade na lalanggoy kasama sila Cheska. Pumunta na si Anika kela Cheska at hinubad na niya ang t-shirt niya.

WOW! CHICKS! Swerte ni Cade ah. Ganda ng katawan ni Anika. Ehem. Hindi ko po pinagnanasahan si Anika. =____= >.>

"Hoy tigilan mo pagtitig sa girlfriend ko kung ayaw mong magkablack eye." Sabi ni Cade.

"Hehe. Testing lang kung may care ka sa girlfriend mo hehe..." sabi ko na lang. Eh anong magagawa ko ang ganda ng girlfriend niya. =________=

"Siguro nga. Pero kasi Warren, kung titingnan mo si Anika, ang una mong mapapansin eh sobrang kahawig niya si Anya, from her face to her smile..." pagkakataon ko ng tinitigan si Anika Joke. Haha! Tinitigan ko si Anika ng walang halong malisya. Promis. =__= habang nagsasalita si Cade. Oo nga no. pati sa galaw ni Anya kuhang kuha niya.

"...her actions are like Anya's tapos yung Acronym ng name nila pareho... Ewan ko kung anong iisipin ko Warren..." sabi ni Cade. Now Im getting the point.

"Cade, you don't need to compare them. Si Anika ay si Anika at si Anya ay si Anya. Alam ko yang iniisip mo eh. Na baka buhay si Anya at nasa katauhan siya ni Anika kasi may mga parts ng memory ni Anika ang hindi niya maalala. Kaso kasi diba patay na si Anya? Nilibing siya diba?" yun yung sinabi ko kay Cade. Kumikitid ang utak eh.

"Ni isa satin hindi nakita na nilibing si Anya. May puntod pero hindi natin alam kung bangkay yon ni Anya. Si tito lang ang nakakaalam ng lahat. Pano kung buhay si Anya. May posibilidad na buhay si Anya Warren kasi nakausap ko si Tito kahapon at yung tungkol sa successor niya, pwedeng si Anya yon. Tinago lang siya ni Tito. Tito has all the sources. Pwedeng mangyari yon. Kasi sabi niya babalik eh." Sabi ni Cade.

RUN AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon