Chapter 7.2 Subic Experience

71 1 0
                                    

Day 3 in Subic

ANIKA'S POV

Nagising na lang ako na nakahiga sa kwarto ko sa hotel. Teka paano ko napadpad dito? Diba kasama ko si Cade sa kweba kaabi dahil nahulog kami? Anong oras na ba?its 9 am in the morning. Biglang may kumatok sa pader. Siguro si Mr. Unknown kaya kinatok ko din.

"Ang aga aga kumakatok ka na. Hehe." sabi ko. 

"Wala naman. Di ka nagparamdam kahapon eh." sabi niya 

"Ahh... Kasi wala ako dito. May adventure na nangyari sakin kahapon. Ewan ko nga kung pano ko nakauwi dito eh. Siguro dahil sa kaibigan ko. Pero alam mo ba yung nangyari sakin kahapon yun yung fear ko. Kasi ilang beses na din akong naaksidente. Nung bata pa ko ang naalala ko eh mahuhulog ako sa bangin non pero may kasama ako eh di ko lang maalala kung sino. Nailigtas naman kami pero traumatic experience yun sakin kasi bata pa lang ako non. Tapos may mga masasamang loob ang nagkulong sakin sa isang madilim na kwarto rin noon. Nakakatakot. Natrauma din ako non. Half of my childhood wala tuloy akong maalala. Blur vision lang. Tapos namatay pa mama ko. Yung feeling na Im left alone. Kasi ang tita ko naman madalas nasa ibang bansa. Kaya yung nangyari sakin kahapon akala ko magisa na naman ako. Takot na takot ako. Ayoko ng mag isa. Kasi buong buhay ko wala akong ginawa kundi tumakbo. Tinatakbuhan ko ang mga taong nakapaligid sakin. Kasi takot akong makita nila kung gaano ko kaweak... Pero takot din kasi akong malaman kung sino talaga ako. Hindi ko parin kasi hinaharap ang papa ko." tumahimik ako. Kumatok si Mr. Unknown.

"Wag ka mag alala. Andito ako para sayo. Sige labas na ko ha." kumatok siya for the last time. Teka lalabas daw siya kaya dali dali akong tumakbo palabas para naman makilala ko ang Listener ko. May nakita akong lalaking naglalakad palayo pero di naman kalayuan.

"Mr. Unknown?!"sigaw ko. Lumingon yung lalaki.

"bakit?"

"May nakita ka bang ibang lalaki na naglakad o dumaan dito?" tanong ko sa kanya.

"Wala. Kakalabas ko lang eh. Chaka bakit ka sumisigaw ha?!"

"Wal kang pakielam. " tinalikuran ko na siya na maglalakad na dapat palayo kaso hinarap ko ulit siya.

"Cade pano pala tayo nakauwi?I mean pano ko napadpad dito?" yup si Cade nga yung kausap ko.

"Binuhat kita kasi ayaw mong magising eh. Naawa naman ako sayo kung iiwan kita diba kaya ayan. Chaka magaan ka naman. Para kang bulak kapag binuhat. Pataba ka nga. Sige na una na ko." naglakadna siya palayo pero ako ito nasa hallway parin. Kapal talaga ng mukha ng lalaking yon. Nung una sabi niya mabigat ako ngayon naman magaan ako. May sayad si Cade >.< pero teka siya lang daw ang tao dito at kakalabas niya lang. Hindi kaya siya si Mr. Unknown, the way rin ng pagkakasabi niya ng una na ko parang kaboses ni Mr. Unknown pero baka naman coincidence lang. Haii. Ewan.

CADE'S POV

naglakad na ko pababa. May ganong kwento pala si Anika no. Hindi ko man lang alam. May part sa katauhan niya ang hindi niya pa alam? Pero nagets naman kaya niya na ako si Mr. Unknown. Hehe. Kaya ko nalaman kasi diba kinalong ko siy at hinatid narin sa kwarto niya. Nagulat ako na magkatabi pala yung kwarto namin. Siya pala si Ms. Anonymous pero bahala siya kung malaman niya kung ako yon o hindi.

"Cade, ano kamusta naman. Tsk. Dapat pala hindi namin kayo iniwan don buti na lang kabisado mo yung site." sabi ni Joem

"Kampante ako na kabisado ni Cade yan kasi naman diba dati my niligtas tayong mga bata noon. Dito rin ata sa forest site eh. Si Anya yung isa do. Pero yung isa di ko alam kung sino eh. Kaya alam kong memoryado ni Cade yan. Ako pa nga tumulong kay Anya noon eh tapos si Cade yung don sa isang bata." sabi ni Warren. Maalala ko. Oo nga yung lugar na yon. Doon namin nakitang nakasabit si Anya at yung batang babae. Di ko napansin kahapon kasi medyo madilim pero oo tama yun nga yon. Medyo madahon na nga lang ngayon. Kasi matagal na panahon na din yon. kapareho rin ng kwento ni Anika yon ah. Pero baka coincidence lang.

RUN AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon