Chapter 32 Dream from my Past

42 0 0
                                    

ANIKA'S POV

"Maris...."

"Maris..." May boses ng babaeng tumatawag sa pangalan na yon. Maris? Part yon ng name ko ah pero walang taong tumatawag sakin ng ganon...Maliban sa isang tao? Pero hindi ko maalala. Siya kaya yon? Pero sino siya.

Madilim ang paligid. Naglalakad ako... unti unti kong nililibot ang lugar.Asan ako? Bakit may tumawag sakin ng ganon?

May nakita akong liwanag kaya naman pinuntahan ko yon. Masyadong maliwanag... Nakakasilaw pero tinuloy ko pa rin ang paglalakad.

Unti unti naaninag ko ang lugar. Isang garden... punong puno ng mga damo at mga halaman at nag gagandahang rosas. Pamilyar ang lugar to.

May nakita akong batang nakaupo sa may damuhan at naglalaro. Ang cute nung bata mukha siyang manika. Nakadress siya na kulay puti tapos nakamedyas na may lace then doll shoes. Haha. Nakakatuwa. Sino kaya siya? Nawawala kaya siya?

Lalapitan ko na sana ng biglang may dumating pa na isang bata, mas older sa kanya. Kapatid siguro niya to. Magkahawig eh yung kulay lang ng buhok ang magkaiba. Nakita ko siyang umupo sa tabi nung cute na bata. Medyo nakatalikod sila sakin kaya hindi ko nakikita ang mga mukha nila. Unti unti akong naglakad papunta sa kanila.

Ng malapit na ko sa kanila...

"Look Marie, Is my flower alright?" tanong nung bata don sa isa pa. Gumagawa sila ng mga flower bracelets and kung ano ano pa. Ang cute, Marie yng name nung isang bata?

"Your doing great my dear. Here, I'll fix it for you okay.... There..." sabi ni Marie tapos nilalagay niya yung parang headband na bulaklak sa ulo nung isa. Ang ganda nga. Patuloy lang ako sa panunuod sa kanila. Tumayo yung bata tapos ay umikot ikot. Ang babaw talaga ng kaligayahan ng mga bata.

"You look pretty my dear. You look like Ate na. haha." Tapos niyakap ni Marie yung bata. Ang sweet... Ramdam ko yung pagmamahal ni Marie sa kapatid niya.

"Remember that I love you always and forever okay... I love you my dear Maris..." sabi ng batang si Marie. Biglang lumakas ang pintig ng puso ko ng marinig ko ang sinabi nung bata sa kapatid niya. Maris ang pangalan ng bata? Siya ba yung tinatawag kanina? Pero paanong pakiramdam ko ako yon?

"Come Maris, take my hand. Let's go back to the resort." Sabi ni Marie tapos unti unting humarap sa direksyon ko.

Dumaan sila sa may harap ko pero parang hindi nila ko nakikita. Ang saya nila. Nagulat ako... yung batang yon? Yng maliit na bata... A-Ako yon? Pero sino yung kasama ko. Bakit hindi ko siya maalala...

Unti unti naramdaman kong dumidilim. Andito na naman ako sa madilim na part. Nakaramdam ako ng takot. Bakit nga ba ko takot na takot sa dilim? Yung mga nangyayari sakin parang totoo...

Biglang nagkaron na naman ng bagong setting? Asan ako? Bakit ganito to? Puro mga nagtataasang puno.

Nakita ko na naman si Marie at ang batang version ko. Panigurado akong ako yon pero hindi ko alam kung paano... Naguguluhan ako.

"Maris stay close to me okay? Don't go to far or you'll get lost... We'll do adventure today so follow only me. " sabi ni Marie kay Maris. Yung lugar parang gubat. Nanggaling na ba ko dito? Pakiramdam ko pamilyar ang lugar na to.

Naglalakad sila sa gubat. Nakakapit si Maris kay Marie. Ang taas ng araw mga 9 am pa lang siguro. Nakita ko unti-unting kumalas si Maris kay Marie dahil sa isang maganda at makulay na paru paro. Sinundan ito ni Maris.

Pagkalingon ni Marie wala na ang kasama. "Maris!!! Maris!!" sigaw ni Marie. Balisa at takot ang nararamdaman niya sa pagkawala ng batang kasama niya.

RUN AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon