Chapter 33 Doors to my Memories

36 0 0
                                    

CADE'S POV

Nagising ako ng 10 am, nagbihis na ko tapos ay dumeretso sa kwarto ni Anika.

*tok tok* katok ko sa pinto niya. Tulog pa kaya to? Hindi ko napansing lumabas siya ng pinto eh.

Naalala ko yung mga nangyari kahapon. I know kasalanan ko yung mga nangyari, malamang nasaktan ko si Anika. Di ko alam kung ano ang gagawin ko.

5 minutes akong nasa labas ng kwarto ni Anika. Wala siya dito sa kwarto.

Kaya minabuti ko ng hanapin siya sa resort. Tinatawagan ko siya sa cellphone ko pero hindi niya sinasagot. Naiwan niya yung phone niya sa kwarto niya. Tss.. Kung bakit kasi kung saan saan nagpupunta tong si Anika. Si Anya madali lang hanapin kasi isang lugar lang naman ang madalas niyang puntahan... ang lugar kung saan may bulaklak.

Nagsimula na ako halughugin ang buong resort.

Nagtanong ako sa reception kung nasaan si Anika, sabi nila umalis daw pero hindi nila alam kung saan nagpunta. Ano ba yan =____=

Wala akong karapatang magreklamo kasi ako may kasalanan ako kay Anika. Haiii... Alam ko na hihintayin ko na lang siyang makabalik. Maggagawa na lang ako ng peace offering.

Kaya pumunta na ko sa garden part ng resort. Ang ganda ng garden nila, nadaig pa yung secret garden namin ni Anya. Siguro kung buhay si Anya dito, matutuwa yon.

Nagsimula na kong mamili ng mga bulaklak. May maliit na table don tapos yung gardener kinausap ko na para sa mga tools at para saan yung gagawin ko. Kelangan kong magsorry kay Anika kasi girlfriend ko siya tapos kung ano ano iniisip ko. Haiii.... Mahirap kasi talaga kung naiipit ka sa isang sitwasyon.

Nagsimula na kong mag-ayos ng bulaklak. Si Anya ang nagturo sakin ng ganito. Magaling kasi siya dito. Naalala ko pa yng mga araw na yon. Sabi niya sakin kaya niya ginagawa yon dahil sa isang tao. Hindi ko maalala kung sino. Si Anika naman mahilig sa mga bulaklak. Kahit ilang weeks pa lang kami ni Anika, kilala ko na siya. halos pareho sila ni Anya eh. Napangiti ako habang gumagawa.

"Iho nakangiti ka diyan ah." Sabi ng isang matandang babae. Nagulat ako kasi bigla na lang sumusulpot.

"Ahh wala po. May naalala lang po ako." sabi ko na lang at tinuloy ang ginagawa ko.

"Ang gaganda ng bulaklak na pinili mo ah." Tumingin lang ako sa kanya tapos binalik na ulit yung focus ko sa mga bulaklak. Nakaupo yung matanda habang pinagmamasdan akong ayusin yung mga bulaklak.

"Alam mo, may mga alaga ako noon. Napagagandang bata. Hindi nga naghihiwalay yung dalawang yon eh. Kamusta na kaya yung isa. Marie at Maris ang tawag ko sa kanila dahil para silang kambal. Pati sa pangalan...." Nakikinig lang ako sa kwento niya. Mga matatanda talaga. Reminiscing moments?

"Si Marie, magaling yon sa mga bulaklak kagaya ng mga ganyan. At si Maris naman mahilig sa mga bulaklak kasi lagi siyang binibigyan ng kapatid niya. Nakakatuwa yung mga batang yon..." sabi niya. Mukhang mahal na mahal niya ang mga alaga niya. Para palang si Anya at Anika eh. Kaso magkaiba ng katauhan.

"Kaso naghiwalay rin sila nung mga bata pa sila dahil sa mga magulang nila... Si Marie sa papa niya at si Maris naman sa mama niya. Sobrang nasaktan si Maris sa pagkawala ni Marie dahil sobrang malapit ang dalawa sa isat isa. Laging umiiyak si Maris nung nawala ang kapatid pero yung hindi nagwawala. Madalas nakatulala lang. Nagkaron kasi siya ng traumatic experience bago pa umalis ang kapatid niya eh. At unti unti nawala ang memorya niya. Haiii... Si Marie, hindi na bumalik dito. Hindi na siya babalik..." sabi ng matanda, parang kwento lang ng buhay ni Anika iba nga lang yung mga tao sa kwento nung matanda. yon may kapatid, si Anika sa pagkakaalam ko wala namang kapatid. Ang tragic ng kwento nila, parang love story ng magkapatid tapos telenovela. Haii... hindi ako nanunuod ng mga ganyan =_______=

RUN AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon