Chapter 31 If Dreams were Reality

43 0 0
                                    

CADE'S POV

"Cade!!!!" gumising ka nga.

"Cade!!!!" sabi ng isang babae. Pamilyar ang boses na yon. Shocks! Inaantok pa ko. Naramdaman kong tumabi yung babae sakin. Nakatagilid ako opposite sa direction niya. Naramdaman kong parang niyakap niya ko.

"Cade..." bulong niya sa tenga ko. Sarap pakinggan ng pangalan ko ah.

"Cade..." sabi niya ulit. Nagulat ako ng bigla niyang halikan ako sa pisngi. Unti-unting nagmulat ang mata ko.

"I love you Cade... Always and Forever..." sabi nung babae. Pagkamulat ko.

"Anika?" tawag ko sa kanya. Bigla siyang tumayo sa pagkakaupo niya sa kama.

"Anika? Siguro you were thinking some other girl? Bumangon ka na nga diyan at nangako ka saking sasamahan akong puntahan yung isang lugar..." sabi niya. Ano bang nangyayari? Hindi ko maintindihan? Bumangon ako tapos ay naligo na. Teka, sa mansion to ah? Kelan pa kami nakauwi ni Anika dito? Ang labo.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na din ako.

"Cade George tara na." sabi ni Anika. Teka parang may iba sa kanya. Kelan pa nagsuot ng dress si Anika tapos kulay pink? I mean sobrang feminine niya tingnan tapos may light make up? Usually naman hindi ah. Tapos nakaheels siya pero hindi naman yung sobrang taas. Usually rubber shoes siya ah. Chaka saan ba kami pupunta? Kinaladkad na niya ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko. Yung mga hawak na yon? Sumakay na siya sa kotse. Parang may iba?

Dumungaw siya sa bintana ng kotse. "Hey Cade. Get in and drive the car or should I drive it myself and break your car instead. Haha! You know I don't know how to drive. Come on!" sabi niya ng nakangiti. Si Anika hindi marunong magdrive? Sa pagkakaalam ko marunong siya ah?

*BEEP* binusina na niya yung sasakyan kaya sumakay na ko.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Anika.

"Are you not feeling okay Cade?" sabi niya na hinahawakan yung leeg at noo ko parang nagcheck ng temperature. "Were going to Tagaytay... you promise me that." Sabi ni Anika. Teka nga! Kakagaling lang namin ng tagaytay ah? Babalik ulit? Hindi ko nga alam pano kami nakauwi eh.

"Go Cade George, drive the Car already, Ill let you know some secrets in my life." Sabi ni Anika. Nagdrive na lang ako ng kotse kahit sobrang clueless ako. May iba kay Anika ngayon ah. Sobrang iba? I mean, makaenglish wagas. Hindi naman siya madalas mag English ah. Chaka medyo girly siya ngayon? Parang hindi bagay sa personality na meron siya na adventurous. Nagdrive lang ako at walang nagsasalita sa pagitan namin hanggang makarating kami sa Tagaytay.

"Were already here in Tagaytay. Oh I miss the fresh air. The last time I went here was when I was still a kid." Pagkukwento niya sakin habang nakatingin sa may labas ng window. Still a kid? Eh diba dito ka lumaki? Ano to joke time na lang? Magsasalita na sana ako kaso bigla siyang nagsalita.

"Let's go to my mother's resort. At A&A Resort. Let's go Cade!" sabi niya ulit. Don ulit. Okay. Kaya dinala ko siya don.

Bumaba kami sa may harap ng resort. Tangkang lalabas na dapat ako ng kotse kaso pinigilan ako ni Anika?

"Don't come down Cade. Its better we stay here." Sabi ni Anika.

"Stay here? Eh resort niyo to ah? Ano ka ba? Wala ka ba sa sarili mo?" sabi ko naman.

"Shh..." tapos ay may pinagtutuunan siya ng pansin. Napatingin din ako sa direction niya. May babae sa may lobby. Nung tinitigan kong maigi, Teka nga? Parang mama ni Anya yon ah? Anong ginagawa niya dito? Tapos ay may lumapit na babae pero nakatalikod samin. Ash brown ang buhok kagaya ng buhok ni Anika tapos na short, rubber shoes at long sleeves na damit.

RUN AWAYDove le storie prendono vita. Scoprilo ora