#19: ღ Bahala na ღ

391 9 0
                                    

[Azalea Belle Gonzales' POV]

"Don't go, stay with me Azalea" he said while hugging me tight.

Ehhh. Ano na gagawin ko? Paano si Ian? Pero paano si Calvin? Urgh.

Kumalas ako sa yakap ni kutong lupa at hinarap siya. "Calvin, ano bang pumasok sa isip mo at sinundan mo kami dito?" Sabi ko ng nakatingin sakaniya, eye to eye.

Kumunot yung noo niya "Bakit, ayaw mo ba kong makita?"

"It's not like that!" Pag-depensa ko, actually siya nga yung gusto kong kasama eh. Say what?

"Tss. Bahala ka na nga" tapos nag walk out siya. What now? So iiwan nila ako dito? Ang gulo naman oh.

At dahil nasa katinuan pa ko, mas pinili kong sundan si Ian. Mas kailangan ko siyang kausapin at mag-sorry sakaniya, hindi naman pwedeng palipasin ko lang. Nakakahiya naman sakaniya siya na nga yung nagyaya ng date tapos iiwan ko pa siya? No.

I'll deal with you later, Calvin.

I dialed Xander's number, siya lang kasi yung medyo malapit-lapit dito. Magpapasama ako sakaniya sa bahay nila Ian. Siya lang kasi nakakaalam, close sila eh.

"Woah himala, tumawag ang suplada" pang aasar ng loko.

"Yea whatever Xand." -ako

"Hahaha, ano pala tinawag mo? May kailangan ka nuh?" -siya

"Absolutely! Can you do me a favor? Please fetch me here at **** Garden." I tried to sound polite syempre

"Oh, bat ako? May sasakyan kayo ah, anong----"

"Just please. I'll explain later" -ako

"Hmm, okay. Wait me there" sabi niya then he hunged up. Langyang lalake siya pa nagbaba ng tawag, that was supposed to be me -.-

--

After a few minutes, andito na siya. I explained and told everything except the hug thingy, duh.

When we finally get to Ian's house, nauna na kong bumaba, kinakabahan ako. Biglang pumasok sa loob ng gate si Xander without even pressing the doorbell. Aba bahay niya? Sumunod na lang ako sakaniya, mukhang palagi siya nandito ah at mukhang close talaga sila ni Ian.

Nang makapasok na kami sa loob, may nadatnan kaming isang babae. Mommy siguro ni Ian.

"Good evening tita, andito po ba si Ian?" Tanong ni Xand.

"Oh, Grey. Wala siya dito umalis kanina pang hapon. Excited pa nga eh, may date siguro yung batang yun." Tapos ngumiti at tumawa ng konti yung mom ni Ian.

[Grey Xander Festin ang full name ni Xand]

"Eh tita alam niyo po ba kung saan namin makikita si Ian?" -Xand

"Baka nasa bahay nila Seiya, palagi nandoon yun eh."

Tumango tango na lang si Xander tapos biglang napatingin sa akin yung mom ni Ian.

"Sino pala itong magandang binibini, girlfriend mo ba siya Grey?" Tanong nung mom ni Ian, ano daw? Errr!

"Naku hindi po tita, kawawa ako kung ganun." Tapos kinamot ni Grey yung ulo niya. Anong kawawa? -____- teka walang balak ipakilala ako?

"Uhm, hi tita. Ako po pala si Abby. Nice meeting you po, pero hindi ko po boyfriend si Xander, friends lang po kami" pagpapakilala at pagpapaliwanag ko na din.

Nginitian naman ako ng mommy ni Ian "Friends nga lang ba talaga? Haha naku. Nice meeting you too Abby" hala naman na-match pa kami ng mommy ni Ian. Ako at si Xander? No, no, no.

The Game Called Love ✔️Where stories live. Discover now