#23: ღ Shit ღ

394 9 0
                                    


[Azalea Belle Gonzales POV]

Nagdidiscuss yung teacher namin sa harap pero heto ako ngayon, lutang na lutang. Ang gulo naman ng buhay na to oh! Bakit ka pa kasi dumating ka Clave? Kung kailang maayos na ang lahat eh.

"Ate Abby may new pet ako, ang name niya ay Chupachups! Bisita ka sa bahay ah laruin natin siya." Pagkukuwento ni Erhia tungkol sa bago niyang aso. Isa pa to eh, ginugulo utak ko.

Tumango tango na lang ako sakaniya kahit na di ko na maintindihan yung mga sinasabi niya. Mabuti na lang nasa may bandang likuran kami ngayon. New seating arrangement daw eh.

"Ay wag na lang pala, makalat pa kwarto ko, dalhin ko na lang si Chupachups sa bahay niyo. Approve na approve diba ate Abby?" Kumikislap kislap pa yung mata niya habang sinasabi yun. Buti pa tong pinsan ko, inosente. Nakaramdam na ba to ng ganito? Yung tipong nakakakilig na nakakabaliw tapos maguguluhan ka.

"Naku ate siguradong matutuwa ka kay Chupachups! Naalala mo pa ba noon nung mga bata pa tayo, nag uuwi tayo sa bahay ng mga cats or dogs na kawawa sa kalye, kasabwat pa natin si kuya Gab nun!" Ay lechugas na Chupachups, pati ba naman dito siya pa rin? Lubayan mo ko please Clave Gabriel!

"Tapos muntikan pa nga tayong makagat ng aso nun kasi hinabol pa tayo. Iyak pa nga ako ng iyak nun tapos ikaw naman parang wala lang pero deep inside takot ka nun. Si kuya Gab naman hinug niya ko tapos hinawakan niya kamay mo nun, ang bait niya ano ate?" Etong si Erhia naman hindi pa nakahalata, pag binibigkas niya yung pangalan na "Gab" o kaya "Clave" eh ang bitter ko na. Di ba niya nahalata yun? .__.

"Erhia, stop." Tinitigan ko siya ng maigi. Nakakainis na kasi eh, bakit nung naalala ko yun, bumabalik pa rin yung dati kong feelings?

"Ate Abby, wag mong sabihing bitter ka pa rin sakaniya? Matagal na yun! Nine years na ate, pwede bang kamustahin natin siya? Hanapin natin facebook niya! :D" ayoko na, masakit pa rin talaga.

"Erhia shut up!" Nasigawan ko siya at di ko namalayan na nandito pala kami sa classroom. Tumingin silang lahat sa amin, maski sila Seiya ay nagulat.

"Ms. Gonzales what's happening?" Tanong ng teacher namin. Argh, wala ako sa mood mag explain.

"Wala po."

"Kung wala kayong balak mag explain. Doon na lang muna kayo sa labas. The two of you are not paying attention to my class, hinahayaan ko lang kayo kanina pa." Sabi ng teacher namin ngayon. Medyo na-guilty ako pero sinunod ko na lang siya, kesa sa ma-guidance kami diba?

Tumayo na kaming dalawa ni Erhia at lumabas ng room. Nakita ko pa yung worried look ni Calvin at nila Seiya. Di ko na lang pinansin.

Nung nasa labas na kami ni Erhia, nakita ko siyang mangiyak ngiyak na.

"Ate Abby, I-I'm sorry." Sabi niya sa akin

Huminga ako ng malalim at nginitian na lang din siya, naglakad ako palayo sakaniya. Sa sitwasyon na ganto mas gusto kong mapag-isa na lang muna. Dahil sayo to kaya nagkakaganto nanaman ako eh, dahil sayo Clave.

-

[Erhia Laurice Gonzales' POV]

The number you have dialed is not on service please try ag- grrr! Pang isang daang milyon ko na tong tawag sakanila pero ni-isa walang sagot 😢

"Kyaaaah! Bakit di nila sinasagot?" Dahil sa kaingayan ko eh napagalitan ako ng Librarian. Oo nga pala nasa Library ako. Simula nung pinalabas kami ng teacher namin eh nagtambay muna ako sa Library, hindi kasi ako sinamahan ni ate Abby :( wala pa naman akong masyadong ka-close dito, alam kong break time na namin kaya tinatawagan ko sila, tinatamad kasi akong maglakad lakad na eh >-<

The Game Called Love ✔️Where stories live. Discover now