#29 ღ Where It Hurts ღ

338 9 0
                                    




[Azalea Belle Gonzales' POV]


"Wait guys I'm tired, I think we need to take a break." I told them as I held my breath. Kanina pa talaga ako pagod, perfect na naman namin yung ipeperform bukas. Yea, tomorrow's the big day.

"Alright, a 15 minutes break will do." Nag thumbs up si Sey sa amin at lumabas saglit ng practice room. Samantalang sila Arisha, Tania at Marie naman ay may kaniya kaniyang ginagawa.


Umupo ako sa may gilid ng kwarto at kinuha yung bag ko upang kunin yung tubig 'ko, sa kasamaang palad wala na pala itong laman, bibili nanaman ako argh! Nakakatamad ng maglakad papuntang cafeteria. At dahil wala akong choice kun'di bumili ulit, tumayo ako at akmang lalabas na sana ng kwarto pero nagulat ako nang abutan ako ni Calvin ng bottled water.

"Sa'yo na lang, wag kang mag-alala hindi 'ko pa naiinom yan."  Nakatitig lang siya sa akin at ganun din ako, pero tinanggap ko rin yung inaalok niyang tubig sayang naman kung aarte pa 'ko.

"Salamat, pero pa'no ka?" Tanong 'ko sakaniya.

Umiling lang siya at nag thumbs up sa akin "Ayos lang, sa'yo na yan." Tugon niya.


Tumango na lang din ako. May pumasok naman sa loob ng practice room at yun ay sila Clave at Samuel, may dala dala silang McDo, napansin ko naman na nagbago yung itsura ni Calvin at lumayo ito. Lumapit sa akin si Clave at ini abot sa akin yung dala niyang pagkain, nag thank you naman ako doon.  Si Samuel naman ay dumiretso kay Erhia na busy'ng naglalaro ng piano tiles sa kaniyang phone. Aba kailan pa naging close yung dalawang 'to?

"Clave, kailan pa naging close si Samuel at Erhia?" Tanong ko sakaniya.

Napatawa naman siya ng konti at napatingin sa dalawa na nagtatawanan na "Ewan ko, di 'ko nga rin alam na para kay Erhia pala yung sundae na binili niyan e. Kaya pala chocolate flavor, e hindi naman mahilig yun sa chocolate e. Nagulat nga 'ko e akala ko sakaniya 'yun."  Sabi ni Clave.

Napakunot naman yung noo ko dun, am I missing something?


Ilang sandali pa lang ay bumalik na sila Seiya at nagsimula na ulit kaming mag practice, 'yung gagawin ko kasi ay kakanta habang sumasayaw at back up dancer ko sila Sey, Marie, Arisha at Tania. Si Caleb naman ay kakanta habang naggigitara, kanina ko lang siya narinig kumanta at di ko aakalain na maganda pala yung boses niya. Para sa last performance naman namin ay kakanta kaming dalawa at may konting break dance din. Di ko rin aakalain na marunong siya sumayaw, kanina pa ko na aamaze sakaniya kasi may talent talaga siya, parang ako. Kaya bagay kami, makisakay na lang kayo.


Matapos ng aming general rehearsal, maaga na kaming umuwi para daw makapag beauty rest ako, sus di ko na kailangan yun. Nang pasakay na kami ni Erhia sa sasakyan, sumabay bigla sila Steve at Calvin sa amin. Nagulat at nagkatinginan pa kami ni Erhia pero hinayaan na lang namin sila. Medyo awkward nga lang sa loob ng kotse.

"Oo nga pala Erhia ikaw ba 'yung nag remix ng kanta nila Abby? Ang galing ah!" Sabi ni Steve kay Erhia.

"Ha? Ah, oo ako nga." Ngumiti lang si Erhia mula sa salamin na nasa harap, nasa tabi kasi siya ni manong nakaupo at nasa likod kaming tatlo nila Calvin.

"Bakit ang tahimik niyo ata? Pag mga ganito ang ingay niyo e. Anong  mga nakain niyo?" Isa isa kaming tinignan ni Steve, pero ni isa ay walang sumagot sa tanong niya. Napakamot na lang siya sa batok niya at nanahimik na lang din.



Nang makarating na kami sa bahay, niyaya ko si Erhia na dito na sa bahay matulog para may kasama ako sa pag aayos ko bukas, pumayag naman siya, takot lang 'to e. At ayun si Steve nagpumilit na dito rin sa bahay mag sleep over, hindi ako pumayag pero nagpaalam siya kay mommy at 'tong si mommy naman ay pumayag, so I have no choice, nakasimangot tuloy si Erhia.

The Game Called Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon