#4: ღ The Game Starts Now ღ

935 20 0
                                    

Azalea

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Azalea

Bago kami umuwi, nagpaalam muna yung mga alien kong kaibigan, pati si Ian nagpaalam na din. OMG bakit ako kinakabahan pag nakakaharap ko siya? Kinikilig ba ko? So it means gusto ko siya? Di bale, okay lang naman diba? Crush lang naman. Kaso may malaking epal talaga sa buhay ko, bago kami umalis eh ang laking kahihiyan ang nangyari sa akin! Nung naglalakad ako eh natisod ako, nasubsob pa ko sa may damuhan! At ang walang'yang si Calvin ay tinanga ako. Ang gentleman diba? Buti na lang nandoon si Ian at tinulungan akong tumayo. Kinantyawan pa nga kami nila Seiya eh.

Bago naman ako sumakay ng Van, binato ko ng madami damo si Calvin sa mukha. Bwiset eh. Ayun, nakasimangot ang itsura. Buti nga. Si Erhia naman tawa ng tawa, isa pa 'to eh! Hindi ako tinulungan nung nadapa ako, kain kasi ng kain.

Nung nasa loob na kami ng van, inopen kong topic yung tungkol kay Ian. Ngayon ko lang ginawa 'to, kahit kailan hindi ako naging interesado sa mga lalakeng yan. Wala ako laging pake sakanila.

"Erhia, feel ko Crush ko si Ian." Pag confess ko kay Erhia. Nanlaki naman yung mata niya at natigil sa paglalaro niya ng Zombie Tsunami.

"Weh, di nga couz?" Ayaw pa ko paniwalaan, mukha ba kong nagbibiro?

"Oo nga. Kasi ano, ano kasi. Ewan ko! Basta ang gentleman niya, tapos ang cute pa niya, I mean gwapo. Hay ewan!" Punyeta! Feel ko namumula ako habang sinasabi ko yun. Nakakahiya, bakit ko ba kasi in-open yung topic na 'to? Aasarin ako ni Erhia nito eh.

Lalong nanlaki yung mga mata ni Erhia, sige lang. Kitang kita ko rin kung paano nahulog lahat ng 78 zombies niya dahil sa katangahan niya, pero di niya yun pinansin.

"Couz ikaw ba yan? Namumula ka oh, or nag-b-blush? OMG dalaga ka na! Ayiee." Tinusok tusok pa niya yung tagiliran ko at tuluyan ng naichapwera yunh nilalaro niyang Zombie Tsunami.

"H-Hindi ah. Bat naman ako mag-b-blush. Rosie cheeks talaga yan." Pagpapalusot ko, totoo naman kasi na rosie cheeks ako.

"Weh? In love ka lang eh! Ang cute tignan!" Pumalakpak siya at kumanta kanta ng korean song na hindi ko maintindihan. Abnormal na ba 'tong pinsan ko?

"Anong in love? Gaga ka ba? Kakakita lang namin nung isang araw tapos mahal agad? Pinagloloko mo ba 'ko, Erhia?" Sarkastiko kong sabi sakaniya. In love in love pang nalalaman, di uso yun.

"Eh kahit na! Aabot din yan sa in love stage!" Pangungulit niya, kelan pa niya natutunan yang love love na yan? Siya nga mismo hindi niya alam yun eh. Lollipop nga iniiyakan niya eh.

"Pano kung hindi? Edi pahiya ka? Ha-ha" Syempre pati pagtawa ko sarkastiko din. Ganda ko eh.

"Whatever couz. Hindi naman malabong ma in-love ka kay Christian ah. He's cute, gentleman tas masayang kasama. Hula ko lang naman yan."

"I guess so, pero hindi naman ako madaling ma-in love eh." Nawalan agad ako ng interes sa topic namin, ang bilis ko talagang mag sawa, paano pa kaya sa love? Hay naku. Makapag-talking Angela na nga lang.

"Tsss, sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?" Aba! Biglang nagsalita yung asungot! Nakikinig pala siya? Chismoso!

"Oo sigurado ako. Bat ba nakikisalo ka sa usapang babae? Chismoso." Inirapan ko siya from the front mirror, nakatingin kasi siya sa akin eh. kainis.

"Paano, naririnig ko yung pinag-uusapan niyo eh. Isip isip din." Aba't!!

"Eh anong gusto mo? Magbulungan kami dito ng parang bubuyog?" Nagsisimula nanaman siya, nananahimik na 'ko eh. Di ko na nga masyado pinansin yung pagka-ungentleman niya kanina eh.

"Psh. Daming satsat."

"Psh, sobrang bipolar." Paggaya ko sakanya. nakakainis talaga tong asungot na antipatikong to

"Sinong bipolar?"

"Ako, ako siguro ang bipolar. Sino ba ang kinakausap ko, diba ikaw? Isip isip din." Nakakapikon! Si Erhia naman may sarili nanamang mundo! 

"Ako ba ang kinakausap mo? Akala ko sarili mo." Then he smirked. Edi huwaw!

"I hate you!" Sigaw ko sakaniya, bwisit sya naubusan ako ng sasabihin!

Oo nag-aaway nanaman kami samantalang kanina medyo matino naman na kami sa isa't isa. Well ganun talaga ang magaganda't gwapo. Gaya namin. Wait, namin? Ew! Ako lang pala, magaganda lang pala hindi mga gwapo. Di naman kasi siya gwapo, impakto siya!

After lang naming mag-talo ni Calvin, tahimik lang walang nagsasalita, si Erhia kasi nagsosound trip na, kaya pala walang pake.

Finally, after our hell trip, nakarating na kami sa bahay. Pero kami bumaba sa sasakyan may sinabi muna si Calvin na ikinagulat ko.

"Sabi mo kanina na hindi ka madaling ma-inlove?" Oh ano naman? Bat na-topic nanaman yan? Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Don't worry, Ms. Gonzales. In the right time, you're gonna fall for me." Ang then he left as if he said nothing. Say what?

***

"OMG couz! Gravity talaga as in super duper mega ultimate wow siya! Sinabi niya talaga yun sayo? This is so interesting! I can't wait to see what's gonna happen next!" Sabi ni Erhia habang hawak hawak si Renzo, yung bear ko na regalo sa'kin ni Seiya nung birthday ko.

"Akin na nga yang si Renzo! Sirain mo pa eh. Di mo na kailangan maghintay kung ano sunod na mangyayari, because nothing's going to happen" In-emphasize ko yung word na 'nothing'

"Couz seryoso nga, may chance bang mahulog ang loob mo kay kuya Caleb?" Kuya pa, hindi niya kapatid yun. Wala kaming kamag-anak na may lahing chonggo.

"Yes"

"Yes!? Really?!" Nanlaki yung mga mata ni Erhia sa isinagot ko.

"Yes, wala siyang pag-asa, as in wala."

"Corny! Mais! Uwi." At nag thumbs down siya.

"Bakit, sinong may sabing nag-jojoke ako?"

"Sabi ko nga wala." Nag peace sign siya at humilata nanaman sa kama KO.

"Couz, malay mo hindi siya seryoso sa sinabi niya. Nan-t-trip lang yun for sure, as if naman na totoo. Kasi, bat naman niya ko papa in love-in sakanya eh hindi naman niya ko gusto, diba?" Alam kong hindi alam ni Erhia yung sagot, pero gusto ko pa rin sabihin yung nasa utak ko. Imposible naman kasi talaga. He didn't even like me, he hates me for sure the way I hated him.

"Malay mo may gusto rin pala siya sayo" Sabi ni Erhia habang pinaglalaruan si Baymax na lampshade ko at ngayon ay wala ng isang mata ng dahil sa kagagawan niya.

"Impossible, couz. Akin na nga yang si Baymax! Naninira ka nanaman ng gamit eh." Nung una, ayaw niyang bitawan si Baymax, nag drama pa nga siya eh. Kesyo pinagdadamutan ko raw siya ng gamit, bakit daw ang mean ko sakaniya, bakit ang ganda niya, bakit local daw lampshade ko. Pinagsasabe nito? Local e regalo ni Xander 'to sa akin! Ibig sabihin local regalo ni Xander? Wtf.

Bago pa kami mag war ni Erhia eh may kumatok bigla sa pintuan ko. Walang sabi sabi eh bago ako makapunta doon para buksan ang pinto, eh bumukas na ito mag isa niya. Guess what? It's Calvin. Anong kailangan niya?

"Sa sinabi ko kanina, It's not a joke, I'm dead serious. Ge, have a good night, Abby." Bago naman siya umalis, kinindatan niya 'ko at ngumisi. Sundutin ko mata niya eh! Kadiri ah. Goosebumps.

Pero seryoso talaga siya? Like I care. Tignan lang natin Caleb, tignan natin kung mahulog ang loob ko sa'yo. Kung nakikipag-laro ka, makikipag laro din ako. And the game starts, now.

The Game Called Love ✔️Where stories live. Discover now