#31: ღ Third Heartbreak ღ

292 9 1
                                    

ERHIA

To: Tita Lane

Hi tita! How's ate Abby? Later po dalaw ako dyan, kain na po kayo breakfast :)

Message sent!

After I send my message to tita Lane, I let out a deep sigh. Grabe nakaka frustrate na ang mga nangyayare. Sana naman gumaling na si ate Abby at makapasok na siya agad. Ramdam na ramdam ko ang lungkot ng aura dito sa school. Alam na kasi ng lahat ang nangyari, medyo nag light lang ang mood dahil sa pagkapanalo ni Seiya at Xander sa contest. Hay nakakamiss naman si ate Abby, walang maingay sa room. Absent rin si kuya Caleb at si Zaniel. Ano bang meron?

I lean on my desk and started doodling on the back of my notebook, at aba naman! Na doodle ko pa pangalan namin ni Steve! Jusme ano bang nangyayare sa buhay ko, may sapi na ba ko? Pero infairness ang cute ng combination ng pangalan namin ah, 'Erhiste' pronounce as Erist. SHET! Ano ba Erhia! Bago pa may makakita ng kagagahan ko ay sinara ko na yung notebook ko.

Napunta naman ang atensyon ko kay Baste na nasa gilid at sa may gawing unahan, nag hand gesture siya na kung okay lang ba ako, nag smile naman ako sakanya at nag thumbs up.

Pumasok naman si Steve at Arisha ng magkasama at nagtatawanan pa. Lahat kami napatingin sakanila dahil ang nagmistulang tahimik na room namin kanina ay napuno ng ingay nang dumating silang dalawa. Mukha namang napansin nilang dalawa ang pagpunta ng atensyon naming lahat kaya naman nagtinginan sila at ngumiti sa isa't isa. Naglakad sila papunta sa akin, ay mali pala, nilagpasan pala nila ako, nilagpasan niya ko. Sa pagkakaalam ko may sitting arrangement kami at siya ang katabi ko pero hindi siya tumabi sa akin, tumabi siya kay Arisha na nakaupo sa likuran ko. Edi wow!

"Ang galing mo mag ayos kay Seiya ah, yung maamo nating pres naging hot sa stage, thumbs up sayo Shasha." –Rinig kong sabi ni Steve kay Arisha, err 'Shasha?'

"Nambobola ka nanaman! Fierce naman talaga si Sey e. Grabe yun pag nagpapadetention haha." –Tugon naman ni Arisha. Yung tono pa ng boses e parang pabebe na kinikilig ay ewan ko

"Ikaw din naman fierce e, para ka ngang tigre pag napipikon ka sakin haha isa ngang sample, rawr ka." –Wth! Sige lang landian pa kayo sa likuran ko, iparinig niyo lang sa akin grr.

Bago pa ko mabwisit sa landian ng hinayupak na nasa likuran ko e dumating na yung teacher namin. Mabuti naman. Pinalabas niya yung notebook namin dahil magkakaron daw ng by pair ngayon para sa research paper. Ano ba yan, stress overload masyado.

"Choose your partner wisely, kayo na bahala pumili." –Sabi ni sir saamin.

"Partner na tayo Shasha." –Malanding sabi ng unggoy sa likuran ko. Grr! Beast mode na talaga ako edi sila na mag partner!

Kinalabit ko si Seiya pero sabi niya magkapartner na daw sila ni Xander, oo nga pala love birds na yung dalawang to, so what to expect pa? Teka si Tania na lang pala!

"Tania may ka-partner ka na ba?" –Kinalabit ko siya at humarap naman siya saakin ng nakanguso.

"Ayy Erhia, meron na e. Si Marco ang ka-partner ko. Wala ka pa bang partner?" –Tanong ni Tania sa akin.

"Wala pa e." –Napasimangot naman ako nang malaman kong may partner na si Tania.

"Hala! Hindi ko naman kasi alam. Akala ko meron ka ng partner, kung alam ko lang edi sana ikaw na lang yung partner ko." –Halata sa mukha ni Tania na nag aalala siya para sa akin, mukha pa siyang guilty kaya nginitian ko siya para hindi mabakas sa mukha ko na naiiyak na ko dahil wala akong ka-pair :(

The Game Called Love ✔️Where stories live. Discover now