#16: ღ Date ღ

379 13 6
                                    

[Azalea Belle Gonzales' POV]

Kanina pa ko naiinis sa dalawang kaharap ko sa table, ang ingay ingay nila di na lang sila kumain ng kumain.

"What's the reason why you transfer here?" tanong ni Calvin bakulaw dun sa babaeng anghel 'kuno'

"Kasi po nilipat yung business namin dito so no choice po ako kundi lumipat din dito." mahinahon niyang sabi, naiirita tuloy ako lalo

At MAS nairita ako nung ngumiti sakanya si Calvin =____=''

Tssss.

"Drop the 'po' were at the same age I guess.." sabi niya -.-

Tinuon ko na lang yung pansin ko dun sa kinakain kong pork chop na inorder ko sa cafeteria, hiniwa ko ito ng parang galit na galit sa mundo at and to tell you the truth, iniimagine ko na si Calvin yun.

"I like your smile.." saad ni Calvin bakulaw dun sa babae

Nagulat tuloy kaming lahat dun sa sinabi niya pati din si Zaniel, well not me kasi nag-uusok na ko sa sobrang galit..

At dahil sa sobrang inis ko, tinusok ko ng kutsilyo yung porkchop na nasa plato ko, napunta naman yung atensyon nilang lahat sa'kin.

"Ate Abby maawa ka sa pork, chinopchop na nga dino-double dead mo pa.." sabi ni Erhia sa'kin

"Tsss.. Dapat lang! Bagay sakanya yun, i-double dead!" dun sa part na double dead ay tumingin ako kay bakulaw. Seryoso naman yung tingib niya saakin..

3 seconds, ganyan kami nagtitigan, tahimik lang at walang nagsasalita. Parang may tensyon dito sa table namin.

"So... Who's out for shopping later?" pag-b-break ni Seiya sa tensyon

"Oh Me!" Arisha

"And us of course!" masayang masayang sabi ni Tania at Marie

"Sama din ako!" Erhia

"Pwede bang sumama ang mga boys? I would like to come" sabi naman ni Steve, nakita ko tuloy na sumenyas si Erhia sa mga girls na 'wag'..

But bad luck, makulit yang mga yan.. Lagi na lang may pinaplanong kababalaghan..

"Oo naman! Sama na din si Caleb and even you Zaniel.." Arisha

Oh c'mon! Bakit kasama pa sila?

"I'm not going with you guys.." sabi ko sakanila, napabusangot naman tuloy yung mga mukha nila

"Why?" naka-pout na sabi ni Erhia sa akin

I looked at him.. "I have a date, with a very special person.." diniinan ko pa yung pagkakasabi dun sa 'date' at 'special'.

Sumingkit naman yung mga mata niya, yung parang kumunot yung noo niya. Tsss, don't tell me he's jealous? Duh!

"Uyyyy! Kaw ah who's that special person?" asar sakin ni Tania

"Is it Caleb?" Tanong ni Marie

Umirap naman ako

"Definitely NO." masungit kong sabi, inis eh!

"OMG! sinasabi na nga ba eh!" biglang sigaw ni Seiya, nagtaka tuloy kaming lahat na nasa table "Sabi sakin kanina ni insan may date daw siya mamaya at nag-p-prepare siya para sa surprise niya dun sa girl, OMO! So it means ikaw nga yung tinutukoy ni Christian!" kinikilig na sabi niya

Nag-smile na lang ako sakanila. Si Calvin naman tahimik na lang dun sa harap ko at si Zaniel naman nakikinig na lang sa amin.

Inasar tuloy ako nila Erhia -.-

Actually wala naman talaga akong date mamaya eh, sabi ko lang yun pang-ganti, I'm hoping na magselos kasi siya eh. Sana mag-work.

At yung kay Ian? Wala akong alam dun, hindi ako yung girl kasi hindi naman niya ko niyaya at hindi ko na siya nakakausap this past few days. Maybe busy ako at siya din?

Argh! Ano ba yan! Pano kung malaman nila Seiya na hindi ako yung girl? Baka isipin nila desperate ako kay Ian, asa! Oo crush ko siya pero di ako ganun. Or worst baka isipin nila nagseselos ako kela Calvin -.-

After lunch, sabay sabay kaming nagpunta ng room. Pero nagulat ako nung may nag-piring sa akin. Nagpupumiglas nga ko eh pero hawak hawak nila 'ko. Nakarinig pa ko tilian ng mga babae pati ata lalake eh, bakla lang?

"Ano bang nangyayare? Guys?!" tanong ko sakanila habang naka-piring pa din ako. Pag ito kalokohan humanda sila sa'kin!

Pero nagulat ako nung binitawan na nila 'ko, tahimik lang sila..

"Guys?" pero walang nagsasalita anak ng! Iniwan pa ata ako! Naglakad lang ako habang may takip pa rin sa mata.. Hanggang sa maisip ko na bakit hindi ko na

na lang tanggalin yung nakatakip at ng makita ko? Hays, utak Azalea! -_____-

Pero nung tatanggalin ko na, bigla akong nakarinig ng boses ng lalake.

"Wait, don't take it off yet." sabi niya kaya natisod ako bigla, nagulat maybe? Natanggal tuloy yung piring ko sa mata.

I fell

And he did catch me..

But..

"Are you alright?" sabi niya sa'kin habang nakahawak sa braso ko para alalayan ako

"Yea.. Thanks Ian." nginitian ko siya at ganun din ang ginawa niya. Nakarinig naman ako ng tilian sa may bandamg likuran ko. Bakit ang daming tao? Andun sila Erhia, Marie, Seiya, Arisha, Tania even Calvin and Steve..

"So... Azalea, can I asked you something?" nahihiya niyang tanong

"You're already asking." medyo sarcastic pero may pagkakulit kong sabi sakanya, natawa tuloy siya.

"Uhm.. Uh." di siya makatingin sa'kin ng diretso.

"Hm?"

"Uhm here!" tas ini-abot niya sa'kin yung red rose.. Nag-thank you naman ako sakanya.

"Sabihin mo na!" sigaw nung mga lalake sakanya

Nag-blush tuloy siya. Aww how cute 

"Azalea, can I.." huminto siya at tumingin na ng diretso sa mata ko "Can I asked you out on a date?"

Lahat sila tahimik.. Tila ba nag-aabang ng isasagot ko.

"Sure..." then nginitian ko siya, nagsitilian naman silang lahat, tas yung mga lalake sumisigaw, pati teachers -.-

"Then I'll pick you up later" nag-smile naman siya sakin, bakit ang sweet niya? Samantalang si Calvin.

Tinignan ko naman sila sa likod then I saw him, nakasimangot tas nung nakita niya kong nakatingin sakanya, bigla siyang nag-walk out.

Promise promise pa siyang nalalaman!

Promise his face! Dun siya sa anghel niya! -_____-

I fell then nasalo ako..

But it's not him who did catched me, it's Ian.. 

The Game Called Love ✔️Where stories live. Discover now