#12: ღ Butterflies in my stomach ღ

522 13 8
                                    



AZALEA



Months passed, at eto kami ngayon magulo pa rin. Ber months na pero wala pa ring nagaganap na program saamin. Bored tuloy ako.


"Shopping tayo girls!" sigaw bigla ni Seiya


"Sige sige! Game ako diyan." Tania

"Wait guys, serioulsly may klase pa oh." Arisha

Nag evil smile si Seiya

"Aha! Edi cutting tayo." sabi niya with matching puppy eyes pa

Cutting? As in cutting classes?! Abnormal ba tong si Seiya?

"No way! Mag-aaral na lang ako dito mag-isa" sabi ko

"Ehhhh Abby naman eh.. Puh-leaaase! Ngayon lang naman. *pouts" ang kulit talaga nitong si Seiya, magwowork na sana pero naaalala ko na malapit na yung Quarter exam namin kaya....

"No." sabi ko

Napasimangot naman sila

"Tayo na lang ang mag-cutting class. Iwan na natin si ate Abby" Sabi bigla ni Erhia

"Osige! That's a good idea.." Tania

"Yay! Halika na dalii!" nagmamadaling sabi ni Seiya

Tapos umalis na sila ng iniwan akong mag-isa dito sa room

Seriously iniwan talaga nila ko? Mga traydor! Konting push na lang eh sasama na ko pero hindi man lang nila ko niyaya ng lubusan?

Sinalpak ko na lang yung earphones ko sa magkabila kong tenga at nagpatugtog ng kanta


You with your words like knives and swords and weapons that you used against me. You have knocked me off my feet again got me feeling like I'm nothing


Okay weird ang kanta. Patama daw ba? Inalog alog ko yung iphone ko para mapalitan ang kanta at eto naman ang pumalit


 🎶 Every dream that I have is about you I don't wanna wake up. Baby I'll lean onto you when I have to and I can't get enough. When I hear your voice then my heart don't have a choice but to give in, give it all or surrender, give you all of my love 🎶


Ang cute cute ng kanta na to, nakakarelax na nakakakilig, actually dedicate ko toh para kay Ian eh.. Speaking of Ian, naging close kami lalo this past few months.


🎶 Baby tell me what to do, you have always been in my heart from the start, you are the one, you are the one. There's something about the way that you smile, something about the way you hold me. I'm falling babe, I'm falling for you, falling crazy in love 🎶


Di ko namalayan na napasabay na ko sa kanta at ang masaklap pa ay may nakarinig.

"Kinakantahan mo nanaman ako" sabi niya

Tingin sa likod.. And there I saw the oh-so-epal in my whole life!

"Tse! Asa!" ako

Tas tumayo siya at tumabi sa akin, problema nito?

"Bakit ka nandito?" naiirita kong sabi

"Masama?" Caleb

Inirapan ko na lang siya. Ayaw ko siyang maka-usap! Mababadtrip lang ako panigurado

The Game Called Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon