Epilogue + IMPORTANT ANNOUNCEMENT <3

92 3 4
  • Dedicated to Gerry Baldos
                                    

CASCADES (FOR ALL IT'S WORTH)

Epilogue

Anim na taon na ang nakakalipas simula noong matinding trahedya na nangyari sa buhay nila Yano at ng pamilya't kaibigan niya.

Sa limang taong iyon ay marami rami narin ang nagbago. Pagkatapos kasi ng nangyari ay karamihan sa barkada ay nagbakasyon din sa ibang bansa at kokonti nalang silang natira.

Ang pamilya naman ni SAb ay tuluyan ng nanirahan sa Amerika. DAhil sa kagustuhan nilang makalimot muna pansamantala sa sakit ng dulot ng pagkawala ng pinakamamahal na anak nila.

Samantalang si Yano ay nabubuhay parin sa nakaraan. Hindi niya parin matangap ang pagkawala ng asawa niya kahit anim na taon na ang lumipas.

Lingo lingo parin siyang dumadalaw sa puntod nito para linisin at panatilihing maayos. palagi niya itong dinadalhan ng bulaklak at kinakausap na akala mo ay buhay parin ito.

Pero kahit paano ay nakaka cope up na siya hindi tulad ng naunang taon ay halos panay ang inom nito ng alak at kulong sa kwarto.

Kung hindi tulala ay umiiyak naman. Tanging ang natirang barkada parin ang naging kapitan niya para magpatuloy ng buhay niya.

Kung hindi siguro dahil sa mga kaibigan niya ay matagal na rin siyang sumunod kay SAb sa kabilang buhay dahil ilang beses din niyang pinagtangkaan ang buhay niya.

Hindi nga lang matuloy tuloy dahil lagi siyang naaabutan ng mga kaibigan niya at kung hindi naman ay lagi namang palpak ang plano niya.

Mabuti nalang at nitong taon ay natauhan din siya. Kahit paano ay natangap na niya at unti unti naring nagsisimula ng panibago.

Linggo ng umaga ng mapadalaw siya sa puntod ng asawa niya para dalhan ito ulit ng bulaklak at kwentuhan ng mga nangyayari sa kanya sa buhay niya.

Pagdating niya sa sementeryo ay umupo ulit siya sa damuhan tulad ng palagi niyang ginagawa.

"Sab? Kamusta ka na?! pesensiya na at hindi kita nadalaw noong isang linggo ha? Marami lang talagang inaasikaso pero huwag kang mag alala. Hindi naman kita nakakalimutan eh. Siya nga pala unti unti na ulit bumabangon ang company na ipinundar at isinunod ko sa inyo ni Baby. Ang saya no? Pangako hindi na ako magmimintas pa ng isang lingo na hindi ka nadadalaw. Happy Anniversary Hon! I LOVE YOU! kita mo sinunod ko na ang endearment na gusto mo. Diba gustong gusto mong tinatawag kitang Hon? Yaan mo mula sa araw na ito yan na palagi ang tawag ko sayo. Sana ok ka lang diyan no? Ikiss mo naman ako kay baby oh! Alam mo miss na miss na miss ko na kayo! Sobrang miss na miss na kita. Sana kahit isang beses, kahit ngayon lang magparamdam ka naman sa akin oh. Promise hindi ako matatakot."

Sinubukan niyang ipikit ang mga mata niya. Umaasa siyang kahit paano ay magparamdam sa kanya ang asawa niya.

Hindi niya inaasahan na may bigla siyang narinig na boses at kahawig na na kahawig ito ng boses ng asawa niya.

HUmangin din ng malakas ng mga oras na iyon at naramdaman niyang may mumunting brasong humawak sa mukha niya.

Kahit nakapikit ay naramdaman niya ang presensiya ng asawa niya. Kinilabutan siya ng mga oras na iyon at ang akala niya ay isang magandang panaginip ay totoo pala.

Nanlaki ang mata niya ng may isang batang babae ang bumahaplos sa mukha niya.

Pagkakita niya dito ay agad niya itong inakap ng mahigpit.

"baby?"umiiyak na tugon niya.

Tinapos na niya ang pagyapos dito.

"Hindi po ko niyo baby. Tska bakit ka umiiyak?"

CASCADES (For all it's Worth) &lt;3Where stories live. Discover now