CHAPTER 40: Karibal

9.5K 145 56
                                    

DEDICATE KO PO SA KANYA KASI PO TEACHER KO SIYA NOONG HIGH SCHOOL HEHEHEHE. HINDI KO AKALAING BABASAHIN NIYA HEHE

_______________________________

"MOMMY, labas ulit tayo with Brad!"

Nawiwindang na ko dito kay Hardy. Kagabi pagka-uwi hanggang ngayong paggising bukambibig na niya si Nathan telling me that he want to see his Brad again.

Ano bang pinakain ng Nathan na 'yon sa anak ko at parang gustong-gusto siya ni Hardy? Hindi kaya kinulam niya si Hardy?

"Baby, anong lasa ng ice cream na binigay sa'yo ni Tito Nathan kagabi?"

"Matamis po. Bakit, Mommy? Gusto mo po ulit? Tara, let's go to Tito Nathan para maihingan ulit kita sa kanya!"

Sus. 'Tong batang 'to, para-paraan.

"O siya, oo na."

"Yeheeeeeey!" at bigla niya akong sinunggaban at niyakap. Juice colored, ang bigat!

"Take a bath na, para makaalis agad tayo."

"Okay po, Mommy! I'll take a bath na!" at dali-dali siyang pumunta ng CR sa room siya.

Excited na excited. Sabagay, I can't blame him. Nathan's really kind, napakagaan kasama.

Tinawagan ko muna si Nathan to ask where he is. Nagkapalitan na rin kami ng number right after niyang makauwi sa bahay niya. T-in-ext niya agad ako para magpakilala.

"Nasaan ka?"

Hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya kasi ang ingay, parang may mga bata.

"Pardon? Ang ingay diyan."

"Wait lang--asdfghjkl."

Ano raw?

After seconds, nagsalita na ulit siya. "Sorry, Dianne. Iyong mga bata kasi masyadong pasaway."

"Mga bata? Bakit? Ganoon kadami anak mo? Puro panganay 'yan no?"

He laughed. "Ikaw talaga. Mga bata dito sa Home of Happiness charity. Volunteer kasi ako dito every weekend."

Na-amaze ako doon. Grabeng bait naman ng taong 'to. Parang 'di nababawasan ang puntos sa langit. "Hmmm...Gano'n ba? So it means, busy ka?"

"Why did you ask?"

"Uhhh...well, Hardy wants to see you. Kaya nga lang mukhang busy ka-"

"You can go here sa charity, along the highway lang naman 'to kaya madaling makita."

Nag-isip pa ko. Pupunta kami doon? I'm sure Hardy will like that place dahil madaming bata, madami siyang makakalaro. While in my case, ayoko. God knows how much I hate kids.

"But if you don't want to, I can meet Hardy anywhere."

"'Wag na! I mean, nakakaistorbo naman kung gano'n. Sige, kami na lang pupunta diyan. Just text me the exact address."

"That's great! Sige, I'll text you right away."

In-end ko na ang call at excited na naghanda. Ewan ko ba, bakit ba ko na-e-excite? I should not dahil puro bata ang mga pupuntahan namin. Ah, whatevs!

NANG matapos na kong maligo ay nag-ayos na ko. Hindi na ko nagbihis at nag-ayos pa nang maganda, charity naman ang pupuntahan ko at hindi mall o ano pa man. I just wore simple pink t-shirt na naka-tuck in sa maong skinny jeans then nag-slippers na lang ako.

Nang matapos na ko ay pinuntahan ko na si Hardy sa kwarto para ayusan pero laking gulat ko pagpasok ko, bihis na bihis na ang bata! At nakapabango pa!

Broken Promises [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon