CHAPTER 20: Meeting Once More

10.2K 164 25
                                    


DIANNE’s

“TALAGA lang ha?” I asked while smiling then in an instant, my smile faded. Nauna kong maglakad sa kanya at bumalik na sa table namin.

We’re all here at the Banapple at nagme-merienda.

Maayos naman ang pagkain namin, nagtatawanan, nagkekwentuhan. Pero lihim kong pinagmamasdan ang bawat kilos at salita ni Harry. He can fool anyone but not me. There’s always an exception. I know he’s hiding something to me. Madalas siyang natataranta, para siyang napa-paranoid na ewan, kapag nagkaka-usap kami minsan ay pinagpapawisan siya, obvious na kinakabahan siya. And it all started when he went at his senior's stag party.

Kinausap ko ang mga ka-batch niya kung ano bang nangyari ng gabing iyon, pare-pareho man ang kwento nila, palagi nilang iniiba ang usapan, para silang nag-aalinlangan sa mga kwento nila. Then I asked Rod at doon ko nalaman na hindi pala siya sumama sa stag party na iyon at labis na pagtataka pa nga ni Rod kung bakit daw sumama si Harry doon.

Then a while ago nang sunduin ko siya sa CR at umabresyete ako sa kanya, sinadya kong ilapit ang sarili ko para maamoy siya nang husto. Then, really! May naamoy akong iba, it's like a mixed scent of vanilla and strawberry. Hindi naman gano'n ang amoy ng pabango niya!

Ni hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Kung dapat ba kong magalit, mainis, maawa sa sarili, maiyak o ano pa. But in the end kusang sinagot ng mga mata ko ang tanong ko. Out of nowhere ay bigla na lamang tumulo ang luha mula sa mata ko na agad kong pinahid.

“Mommy, why are you crying?” tanong ni Hardy. Hindi pa siya nakuntento, tumayo siya mula sa kinauupuan niya at kumalong sa’kin. “Mommy, sino pong umaaway sa’yo? Susuntukin ko po siya!”

Napangiti ako kasabay ng sunod-sunod na pagluha ko, pinahid ni Hardy ang pisngi ko. “Mommy, don’t cry please?”

Niyakap ko na lamang siya nang mahigpit bilang tugon. Tinignan ko si Harry at nakatingin siya sa’kin na para bang nagtataka. Ang kapal ng mukha niyang magtaka! Ang kapal ng mukha niyang magpanggap na inosente! Ang kapal ng mukha niyang harapin ako! Paano niya naaatim na harapin kami nina Hardy at Arianne sa araw-araw gayong may tinatago naman siya? Paano niya nakukuhang matulog nang mahimbing sa gabi at yakapin ako? Ang kapal! Sobrang kapal!

Humiwalay ako sa pagkakayakap ko kay Hardy. “Wala, baby, masaya lang si Mommy.”

“You’re happy yet you’re crying? Is that possible po?”

Natawa na lamang ako at muli siyang niyakap at hinalikan sa pisngi.

PAGKABALIK namin sa resthouse ay maagang nakatulog si Hardy dahil siguro sa pagod. Ako naman ay nandito sa terrace at nagpapahangin. Kahit anong hangin ata ang malanghap ko ay hindi na magiging maayos ang paghinga ko. Sumisikip ang dibdib ko kapag naiisip kong may inililihim sa’kin si Harry. Ilang beses akong nagpalipad hangin sa kanya kung may tinatago ba siya pero palagi niyang sinasabing wala.

Hindi ako tanga. Hindi ako manhid. Alam ko, may tinatago siya. Gustong-gusto ko nang pumasok sa CR ng boys kanina pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayokong masira ang Chistmas namin, ayokong mag-eskandalo. Kung mahal ko si Harry, mas mahal ko ang delikadesa ko.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pagyakap sa’kin ni Harry sa bewang ko mula sa likod ko. Tumungo ako at pumikit nang mariin, pinipigilan ang kahit na emosyong lumabas sa’kin.

“Nandito ka na naman sa labas, eh, ang nipis-nipis ng suot mo. Baka lamigin ka dito.”

I bitterly chuckled. “’Wag kang mag-alala, Honey, makapal ang balat ko, balat kalabaw ‘to, hindi basta-bastang nakakaramdam.”

Broken Promises [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon