CHAPTER 14: Not That Honest

9.4K 166 23
                                    

DIANNE’s

KANINA pa kami nakaupo ni Harry dito sa sofa at kanina pa rin ako naghihintay ng sagot niya. But there were no words coming from his mouth. Naiinis na ko, but I kept on trying to control my anger. Gaya nang sinabi ni Mama, Harry and I need to talk. And yes, I’m trying to talk to him properly pero hindi niya ko sinasagot. He can’t even look straight into my eyes.

“I’m waiting.”

He sighed and I saw his adam’s apple moved, it means he gulped. Bakit? Kinakabahan ba siya?

Until finally! He looked at me. “Dianne...” at muli niyang binawi ang tingin niya sa’kin.

Dito na ko hindi pa nakapagpigil. “For Goddamn sake, Harry! Say something! Explain to me every fucking detail!”

Halata sa kanya ang pagkagulat, at nerbyos. I can even see droplets of sweat forming on his forehead.

I smirked. “Bakit parang kinakabahan ka? Bakit parang takot na takot ka? May kasalanan ba?”

Dito niya muli ako binalingan ng tingin pero agad niya ulit itong binawi ito. Lalong nadagdagan ang inis na nararamdaman ko, pakiramdam ko ay pinagmumukha niya kong tanga. Harap-harapan niyang pinapakita sa’kin ang takot niya pero wala siyang pakealam.

I bit my lower lip to fight back my tears but damn my tear ducts, hindi ko napigilan. I released my lower lip and my lips started to tremble sa sobrang pagpipigil ng galit. “Ayaw mo talaga magsalita? Fine. Maybe I don’t deserve any explanation from you. Asawa mo lang naman ako, eh. Asawa lang...” Tumayo ako at nagsalita habang nakatalikod sa gawi niya. I clenched my fist because of so much anger. “Magbihis ka na at umuwi. Bumalik ka na lang kapag may pakealam ka na sa nararamdaman ko.” Finally, I went upstairs and left him.

Nawala lahat ng gutom na nararamdaman ko kanina, napaltan ito ng galit. Humigpit ang pagkakahawak ko sa doorknob ng pinto ng kwarto dahil sa matinding galit.

I’m a woman. Oo, mahirap maging babae, palaging kami ang nasasaktan. But we are blessed with something that any man can’t have: the ability to get pregnant, and the instinct.

Hindi man siya nagsasalita kanina, I can read his actions. I know, I feel it, he’s hiding something. Hindi siya kakabahan ng ganun, hindi siya aarte ng ganun kung wala siyang tinatago.

Narinig ko ang pag-iyak ni Arianne sa loob kaya pinihit ko na ang doorknob at pumasok sa loob. Pagkapasok ko ay nakita ko si Harry na malapit lang sa crib. Halatang nagulat siya nang pumasok ako.

“What have you done? Bakit umiiyak si Arianne?” I cannot control my emotions anymore, pakiramdam ko lahat nang nakapaligid sa akin ay mapagbabalingan ko ng galit.

“Mommy, sorry...” Tumungo siya, which means he’s guilty. Lalong nag-alab ang galit ko kaya hinigit ko siya sa wrist niya. “Mommy, I’m hurtiiiiing.” And he started to cry!

“For Christ sake, Hardy! Stop crying!”

“Mommy, don’t hurt meeee.”

“Just stop crying and tell me what happened!”

“Tumama po kasi ‘yong car ko sa crib ni Baby Arianne, ehhhh.”

“I told you that you can play here but you should keep quiet! You should be careful! Bakit ba hindi ka nakikinig sa’kin?!”

“Mommy, I’m sorryyyyy.”

“Give me your car!”

“Mommy, no! Bigay po ito ni Daddy!”

Pilit niyang inilalayo sa’kin ang laruan niya kaya lalo akong nabwiset! Dagdagan pa ang napakalakas niyang iyak at ang matinis na iyak ni Arianne!

Broken Promises [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon