CHAPTER 29: Still in Denial

8.8K 131 19
                                    

DIANNE’s

“HONEY? Why are you sulking?” tanong sa’kin ni Harry habang nananatili kaming magkayakap dito sa dance floor. I didn’t realize na umiiyak na pala ako.

I wiped my tears away then I already separated from our hug. “I'm not, Honey. Tara na balik sa table. Nilalamig na kasi ako.”

“Gano'n ba? Here, wear this.” Hinubad niya ang coat niya at ipinatong niya sa balikat ko.

Ayoko mang tanggapin dahil nga sa amoy nitong strawberry and vanilla, wala na rin naman akong nagawa. “Thank you.”

“Let’s go,” nakangiting sabi niya sa’kin.

Tinignan ko siya, parang gusto kong maiyak. Gusto ko siyang kumprontahin para naman makahinga ako oras na sabihin niyang hindi totoo ang mga naiisip ko. On the other hand, natatakot akong tanungin siya dahil baka nga totoo ang mga hinala ko. Hindi ko na alam. Nalilito na ko. Hindi ko akalaing darating kami sa point kung saang maghihinala ako sa kanya, dahil alam ko, mahal na mahal niya ako.

He clicked his tongue. "Ang gwapo ko ba?”

“Huh?”

“Titig na titig ka, eh." He chuckled then he poked my nose. “Tara na nga.” Naglakad na ulit kami pabalik sa table.

Madami pang nangyari. May mga pa-games pa, mga pang-party na sayaw, at syempre ang kwentuhan dito sa table. Sa katunayan nga ay medyo tipsy na si Harry dahil nag-iinuman sila. Si Chloe naman ay lasing na lasing na kaya kung ano-ano nang nakwekwento na siyang nagiging dahilan kung bakit sumasaya dito sa table. Ang saya ng lahat maliban sa'kin. Kahit sapilitan lang, I can’t still manage to smile. Kahit sobrang funny ng mga kwento ni Chloe, hindi ko makuhang matawa.

Ewan ko ba, napakamanhid ni Harry. Hindi niya ba nararamdaman ang uneasiness ko? Na hindi ko na kayang makisalamuha sa kahit na sino? Na napapagod na ko at ang gusto ko na lang ay umuwi?

“Antok na ko,” sabi ni Chloe. Hindi naman ‘to umiinom dati. Pero simula nang natuto siyang mag-inom naging tomadora na.

“Uwi na tayo?” malambing na tanong ni Rod sa kanya.

“Uwi na...” Tapos bumagsak na si Chloe sa lamesa dahilan para magkantyawan ang mga ibang doctor na nasa table namin.

“Hehe. Uwi na po kami,” pamamaalam ni Rod sa mga mas nakatataas na doctor kesa sa kanya. Binuhat ni Rod si Chloe tapos ay nagpaalam na sa’min ni Harry at saka umalis.

Pinagmasdan ko sila habang papalayo mula sa table. They really fit for each other. Kahit childish si Rod, he’s really a responsible husband and father. And bukod doon, he’s really faithful and loyal. Mahal na mahal niya si Chloe kahit may pagka-abnoy ‘tong si Chloe. Kung titignan, obviously na happily married sila.

Nakakainggit.

Bakit ganito?

Hindi ba dapat ay masaya ako sa sarili kong pamilya? Sa sarili kong buhay? Kaya nga ako nagpakasal ‘di ba? Kaya nga ako nagmamahal ‘di ba? I know it’s not love without pain, pero kung puro pain na lang, then maybe love isn’t enough after all.

Tinignan ko si Harry, he’s still clueless sa nararamdaman ko. He’s laughing with his colleagues and he’s still drinking. Sobra na kong na-out of place, lalo pa’t sinundo na ni Jericho si Kristine. I sighed because of boredomness. Hindi pa rin makaramdam si Harry.

And since he’s insensitive, ako na ang gumawa ng move. “Harry, uwi na tayo,” bulong ko sa kanya.

“Mamaya na. I’m still having fun.”

Kung literal na nadudurog ang puso, malamang durog na ang sa akin. Ni hindi pa nga ako nakaka-move on sa nangyari kanina, sa naamoy kong pabango ni Harry, sa tingin at ngiti ni Natalia, and now this? Bakit naman si Chloe? Isang sabi niya lang kay Rod na “Antok na ko”, alam na agad ni Rod ang gagawin? Ni hindi nga siya nahiyang buhatin si Chloe sa harap ng maraming tao. Tapos ako, ano? Diretsahan ko nang sinabi na gusto ko nang umuwi tapos ang isasagot niya ay “I’m having fun pa”? Tangina naman, eh!

Broken Promises [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon