CHAPTER 19: Guilty Pleasure

12.5K 171 28
                                    

SPG

HARRY’s

KINABUKASAN, we decided to go Island Hopping. Iniwan na namin si Arianne kay na Yaya. Binigyan din namin sila ng budget if ever na may gusto silang bilhin sa souveneir shop, kung may gustong kainin or what.

Samantalang kami nina Hardy and Dianne ay nakasakay na dito sa motorboat para pumunta sa adjacent island at makapag-Island Hopping na.

Una naming pinuntahan ay ang cave na nasa bungad lang ng adjacent island. Nakakatuwa dahil kahit maarte si Dianne at kahit spoiled si Hardy, they still love adventures. Hindi sila nagrereklamo kahit pa napakahirap magpasikot-sikot dito sa cave. There were times na kailangan mong yumuko ng todo, kailangan mong maglakad nang mahaba and all. Though obvious naman na kaya na nila, hindi ko pa rin sila pinapabayaan.

Nang makalabas na kami sa cave ay nagpahinga muna kami sa shore. Nakipagkwentuhan ako sa nagpapatakbo ng motorboat, si Hardy naman ay nagpupulot ng shells at si Dianne ay may kausap sa cellphone, sina Mama siguro.

“Ah, Sir, ‘wag niyong mamasamain ,ah?” Napalingon ako kay Mang Joel—ang nagpapatakbo ng motorboat na sinakyan namin kanina—nang magsalita siya. Nakakatuwa dahil may punto pa ang pagsasalita niya dahil taga-rito siya sa Batangas.

“Ano po ‘yon?”

“Eh, napakaswerte niyo ga ho sa Misis niyo, ay. Halatang-halata na mahal na mahal niya ang anak niyo. Napakamaalaga ho. Napakagalang pa kanina nang kausapin niya ang Boss naming may katandaan na talaga.”

Napangiti ako. Tama naman talaga si Mang Joel. Kahit masungit si Dianne, malaki ang respeto niya sa mga matatanda. At totoong naging mas maalaga si Dianne ngayon sa anak namin. Malaki talaga ang naging improvement niya. “Hindi po ba kayo nagagandahan sa kanya?” tanong ko.

“Naku, Sir. Ano ba ga hong tanong iyan. Hindi naman ho maipagkakaila na maganda ang inyong Misis, ay. Pero sa tingin ko, bonus na lang ang ganda niya, Sir. Hindi dapat tayo sa panlabas na anyo tumitingin. Dahil kahit gaano kaganda o kagwapo ang isang tao, lilipas at lilipas din ‘yan. Pero ang ugali? Ay nako ho, Sir, hanggang sa pagtanda, dadalhin at dadalhin ng tao ‘yan. Kaya, Sir, pangalagaan niyo ho ang Misis niyo. Napakaswerte niyo na ho diyan.”

For so many times, may muling umusig sa konsensya ko. Ibinaling ko na lamang sa kanya ang usapan dahil hindi na talaga ako komportable. “Mukhang may pinaghuhugutan kayo, Mang Joel.”

Napakamot siya sa batok niya at napangiti. “Gaya ho kasi ninyo, Sir, napagkalooban ako ng isang Misis na malapit na sa pagiging perpekto. Ang ipinagkaiba lang naman natin, Sir, ay hindi naman ako kagwapuhan. Kaya nga nagtataka ako kung bakit ako ang pinili niya gayong napakadaming mayayaman ang nanliligaw sa kanya. Elementary nga lang ho ang natapos ko, ay. Kaya , Sir, nang nagpakasal kami, ipinangako ko sa kanya na hindi ko man maibigay sa kanya lahat ng luho niya sa buhay, handa naman akong ibigay ang isangdaang porsyento ng pagmamahal ko sa kanya.”

“Alam ko, Sir, lalaki tayo, mabilis matukso. Pero, Sir, sa maniwala kayo at sa hindi, sa loob ga ho ng pitong taong pagsasama namin ni minsan ay hindi ko ho iyon niloko, ay. At wala akong planong gawin iyon. Tutal, ipinagkaloob siya sa’kin ng Diyos. Sa dinami-daming naghahabol sa kanya, ako ang napili niya. Kaya hindi ko sasayangin ‘yun. Kahit isang kahig, isang tuka lang ho kami, Sir, handa akong ibigay sa kanya ang lahat-lahat sa’kin.”

Sandali akong natahimik, at napatungo. Tahimik akong natawa sa sarili ko. Kasi ako itong may pinag-aralan, pero ako itong siraulo. Pero si Mang Joel na Elementary lang ang tinapos, mas may paninindigan pa kesa sa’kin. Kung tutuusin, ako ang hindi nagmistulang edukado sa aming dalawa. Kung sino pa ang mas nakakaangat sa buhay ay siya pang hindi kayang manindigan sa prinsipyo.

Broken Promises [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon