CHAPTER 24: Love Plus Trust

8.3K 158 26
                                    

DIANNE’s

NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman kong may tumabi sa’kin at yumakap. I opened my eyes and I saw Harry. His eyes are already closed.

“Honey,” tawag ko sa kanya. Tanging ungol lang ang naisagot niya sa akin. Pagod na pagod siguro siya. These past few weeks madalas siyang umuuwing pagod. Ang dami kasi nilang pasyente, mga na-higblood siguro or ‘di kaya mga inatake sa puso kakakain noong Pasko at New Year.

“Kumain ka na ba?”

Hindi na siya sumagot, ni ungol wala na. Maybe he’s already sleeping. Umalis ako mula sa pagkakayakap niya at umupo at saka ko hinaplos ang buhok niya

Tumayo ako at tumungo sa CR. I’m sure, hindi na naman niya naayos ang mga damit niya because he's exhausted. And I was right. His white coat and clothes are all over the floor. Napailing na lang ako. Honey, talaga...

Isa-isa kong pinulot ang mga damit niya and I also folded it. Pero bigla ko na lamang naisipan na i-check ang mga damit niya. It’s been two week since I knew about Natalia being their NA, and since then, mas naging maayos kami ni Harry. As if we’re starting all over again. He always surprised me; he always made me smile more than the usual. But at the back of my mind, I still have my doubts.

Hindi ko alam kung bakit pero tiniganan ko ang damit niya to see if there are marks of betrayal.

And it’s clean.

Napahinga ako nang maluwag. But that’s not all, I even smelled his polo.

Nang maamoy ko ito ay agad nanginig ang mga kamay ko. Humigpit ang kapit ko sa damit niya at naramdaman ko na ang pangingilid ng mga luha ko. Halos malukot ko na ang damit niya...

The smell of his clothes is different...yet familiar.

Pinikit ko ang mga mata ko kasabay nang tuluyang paglandas ng luha sa pisngi ko. Pinilit kong alalahanin kung saan ko nga ba huling naamoy ang amoy na iyon.

At nabitawan ko na nga ang damit niya nang maalala ko kung saan at kailan.

Strawberry and vanilla scent...

The last time na naamoy ko iyon ay noong nasa Batangas kami, sa restroom ng Banapple.

Napasandal ako sa sink at nagtuloy-tuloy ang luha ko. Tinakpan ko ang bibig ko ng palad ko para mapigilan ang mga hikbi ko, para hindi ako magsanhi ng ingay. Nanginig na ang mga labi ko sa sobrang takot, sobrang kaba, sobrang lungkot.

I trust him. I trust him more than anything. But still, the fear is overpowering me. Natatakot akong baka niloloko niya ko, na baka nambababae siya.

Alam ko sa sarili kong mahal niya ko. Mahal na mahal niya ko. Pero bakit ganito? Bakit naghihinala agad ako? Ni hindi ko pa nga naririnig ang paliwanag niya... pero bakit ganito na ko makapag-react? Sobrang OA.

I calmed myself down at muling binalikan si Harry.

Umupo ako sa kama sa tabi niya at pinagmasdan siya. Hindi ko alam kung bakit naging ganito agad ako ka-emosyonal. Siguro kasi, may history na si Harry nang pagsisinungaling sa’kin, kaya posibleng maulit ulit iyon.

But he promised... he promised me na hindi na niya ulit ako sasaktan, na hindi na ulit siya magsisinungaling sa’kin. But for Christ's sake he didn’t just make a promise; he made a vow in front of me, in front of everyone, in front of Him.

Marahil ay naramdaman niyang may nagmamasid sa kanya dahil unti-unti niyang dinilat ang mga mata niya. Sinalubong niya ako ng ngiti. “Why you’re still awake?”

Kahit na halo-halo ang nararamdaman ko ay ngumiti na rin ako. “Wala lang. Gusto lang kitang pagmasdan.”

Pero nagbago ang itsura niya. Kumunot ang noo niya na para bang nag-aalala. Umupo siya at hinawakan niya ang kaliwang  pisngi ko. “Are you okay?”

Broken Promises [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon