CHAPTER 09: Public Display of Kalandian

10.5K 193 16
                                    

HARRY's

"SIGURADO ka bang okay ka na?" tanong ni Dianne sa'kin while fixing my tie. She's really the sexiest kapag inaayos niya ang neck tie ko. Ang sexy niyang tignan kahit pa sabihing buntis siya.

"You already asked that for so many times already," I said while smiling, and poked her nose. "I'm fine. Kaya ko nang magtrabaho right after what happened to Manuel. Alam kong masaya na siya sa taas, at masaya na rin siyang nakapagpahinga na siya."

Natapos na siya sa pag-aayos ng necktie ko at ipinatong naman niya ang kamay niya sa balikat ko. "I trust you."

"Ang sweet mo, ah. May kailangan ka?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Ah ganun?! Kapag lumalambing ako ibig sabihin may kailangan ako?" She turned her back to me then seated on the edge of the bed with her arms crossed.

Napangiti ako sa inasal niya at napailing. "Why you have to be so cute whenever na nagtatampo ka?"

Inirapan niya lang ako kaya lalo akong napangiti. Bumaba ang tingin ko sa hita niyang napakaputi, ang ganda talaga ng hita niya, bilog na bilog at ang kinis.

"Bakit ka nakatingin sa hita ko?! Manyak ka!" Inihagis niya sa'kin ang unan pero nasalo ko naman 'to.

Instead of getting angry, natawa lang ako. "'Wag ka ngang high blood. Makakasama kay baby 'yan, eh. Sige na, I really have to go. May sasabihin pa raw sa'kin si Nanay Rosa." Umupo ako sa floor katapat niya at hinaplos-haplos ang mga hita niya. "'Wag ka nang magtampo ha? Ang cute cute mo 'pag nagtatampo ka. Baka hindi na ko makaalis niyan."

"Binobola mo naman ako, eh!"

Hindi ko na natiis ang sarili kong yakapin siya. My God, I can hug her all day!

"Late ka na."

Humiwalay na ko. "Alis na nga ako. Ingat ka dito, ha? Ipapasundo ko na lang si Hardy, later."

"Okay."

"See you tomorrow." I kissed her forehead before leaving the room.


PAGKARATING ko sa hospital ay nag-endorse muna sa'min ang mga kapalitan namin sa ward at agad na pumunta sa kanya-kanyang post. Duty ako ngayon kaya sa ER ang post ko pero pinuntahan ko muna si Nanay Rosa sa OPD dahil nga raw may sasabihin siya sa'kin. 

Bumungad sa'kin ang umiiyak na si Nanay Rosa.

"Nay, bakit po?" Umupo ako sa tabi niya. "Bakit po kayo umiiyak?"

"Ang anak ko kasi..."

Nanay Rosa came from Zamboanga, nakipagsapalaran daw siya dito sa Manila. Maayos naman ang buhay nila sa Zamboanga kaya lang nagkasakit ang bunsong anak niya. Well, hindi naman na ganun kabata ang anak niya, she's already 23 years old, kaya lang it's a mother's thing so lumuwas talaga siya dito sa Manila para kumita ng pera at mapagamot ang anak niya.

"Ano pong nangyari sa kanya?"

"Lumala na raw kasi ang sakit niya sa puso. Hijo, pasensya ka na. Pero kailangan ako ng anak ko, kailangan kong lumuwas sa'min."

Nanay Rosa is close to every Surgery resident doctors but sa akin siya pinaka-close. Hindi ko rin maintindihan bakit pero magaan talaga ang loob ko sa kanya. Siguro nga kasi dahil maagang nawala sa'kin si Mama.

"Ano po bang kailangan ng anak niyo? Anong gamot po ba ang iniinom niya? Ako na lang po ang bibili—"

"Naku, anak, 'wag na. Nakakahiya naman."

"Pero, Nay—"

"Hijo, sapat na ang mga naitulong mo sa'kin. Hindi mo na kailangang gawin 'to. Maraming salamat, anak. Sobrang salamat," hinawakan niya ang mga kamay ko, "patawarin mo ko."

Broken Promises [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon