CHAPTER 23: The Real Loser

8.4K 150 14
                                    

DIANNE’s

ISINUKAT ko ang hairnet na binigay sa’kin ni Harry. It really fits, hindi masikip, hindi rin naman maluwag.

“Okay lang ba? Hindi ka ba nahihigpitan?”

Tinignan ko si Harry mula sa salamin. “Okay lang. It’s comfortable.” Tinanggal ko na ulit ang hairnet at inilagay sa loob ng bag ko.

“Are you sure you’re ready to go back  sa lab?”

Tumayo ako at lumapit kay Harry. “Nakailang tanong ka na ba diyan? Kakaltukin na kita katatanong mo, eh.”

He laughed. “Ang brutal talaga ng Honey ko. ‘Lika na nga, male-late na tayo.”

Ngayon ako babalik sa pagtratrabaho sa lab. Okay na naman ako, eh, kaya pwede na ulit akong magtrabaho. And ayokong maiwan na naman dito sa bahay. Sayang naman ang pinag-aralan ko kung ‘di mapapakinabangan.

Pagkababa namin ni Harry ay nakita namin si Hardy na nakasuot ng school uniform niya at naghihintay sa’min. “Mommy, Daddy, let’s go na po!”

“Mukhang excited ang baby boy ko sa pagpasok, ah.”

“Yes, Mommy! I miss my classmates. Madami po akong gustong ikwento sa kanila. Ikwekwento ko rin na malapit nang magkaron ng baby sina Granny at Gramps!”

Yes, totoo ‘yon. Noong New Year in-announce sa’min nina Mama at Papa na two months ng buntis si Mama. Naku talaga ‘yong dalawang iyon, ang tatanda na hindi pa nagpaawat, talagang sinundan pa ko. They’ve been trying pa naman since then na sundan ako pero wala raw talagang nangyayari so they just accepted the fact na hindi na sila magkaka-baby ulit. Then biglang poof! After so many years, ito na! Magkaka-baby na sila at magkakaron na rin ako ng kapatid. It’s really funny dahil 8 years ang tanda ni Hardy sa soon-to-be-Tito/Tita niya.

Pagkahatid namin kay Hardy, dumiretso na agad kami sa hospital. Inihatid na muna ko ni Harry sa lab bago siya pumunta sa department niya. As usual, tinutukso nila kami, panay ang “Ayeee” nila. Napapangiti na lang ako dahil sa totoo lang kinikilig din ako. The same feeling that I felt way back, when I realized that I love him pala.

“Ang sweet sweet talaga ni Harry, no? At syempre naman! Na-miss kitaaaaaa!” at saka ako sinunggaban ng yakap ni Kristine!

This is what I am bothered of, ang kakulitan ni Kristine, ang pagiging masigla niya, pagiging positive na para bang araw-araw she have a pocketful of sunshine with her.

“Bitawan mo nga ako! You’re torturing me!”

Humiwalay naman siya sa pagkakayakap sa’kin. “Ang sungit pa rin! But that’s okay, love pa rin kita. Anyway, gusto kong makita si baby giiiiiirl! Kailan binyag niya? Ha? Ha? Ninang ako, please?” at nag-puppy eyes pa nga!

“Wala! Tapos na binyag niya. And please, wala kong planong kumuha ng Ninang for Arianne na kuripot,” pagtataray ko, sabay irap.

“Hahahaha! Kuripot talaga ‘yan! Kawawa naman 'yong bata kung si Kristine lang ang magiging Ninang,” sabi ng isang lalaking hindi ko kilala. He’s new to me. Nakasuot din siya ng scrubsuit gaya ng sa’min. Lumapit siya sa’min at tinignan ako with his eyes sparkling, shining, shimmering, splendid. Hay nako! This is not new to me. Ilang lalaki na ba ang tumingin sa’kin ng ganyan? Duh? Ganda ko nga kasi. Partida, aware siyang may asawa na ko. “Hi, I’m Jericho,” aniya. Inilahad pa niya ang kamay niya sa harap ko.

“Mamatay na nagtanong,” sagot ko.

Natawa tuloy si Kristine at ibinaba naman no'ng Jericho ang nakalahad niyang kamay.

“Anyway, wait—Jericho? Your name is Jericho?” Gusto ko pa sanang tarayan pero natawa na talaga ko sa pangalan niya.

Ibinaba na niya ang kamay niya nang hindi ko ito tanggapin. “Yes, my name is Jericho. Nang nag-maternal leave ka, ako ang pumalit, until I became regular here.”

Broken Promises [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon