End

19 0 0
                                    

Mula dito sa Canada nakarating ang movie nila Indigo at Miss Trinity na ngayon ay abalang pinapanood ngayon ng kapatid ko na under chemotherapy pa rin sa edad na 15. May cancer ang kapatid ko kaya dito na namin sya pinagamot ni Auntie, hanggang sa ampunin na nya kaming dalawa dahil wala rin naman syang anak at tanging pagcacaregiver lang ang kaniyang inaatupag, kaya caregiver na rin ang trabaho ko ngayon dito. Masayang akong inaalagan ang mga matatanda sa 'The house for Elders'.

"Ay! Tapos na?" Lumingon sya sa akin. "Ate, yun na yun?"

Tumango ako. "Oo.."

"Hindi rin pala happy ending tulad nyong dalawa."

Inirapan ko sya. "Dahil hindi talaga happy ending kung hindi talaga sya para sayo. Ganun lang iyon. Kahit ikaw, pagdadaanin mo rin yan someday."

Nagkibitbalikat na lamang sya.

Kahit na nandito na kami sa Canada ay kumakalat pa rin talaga ang pangalan nya dito. Kahit kasi hindi naging maganda ang ending ng movie nila, naging hit naman dahil maraming naka-relate sa istorya nila Harvey at Celine.

Isang taon na rin ang lumipas nang lisanin namin ang Pilipinas. Napakalaking adjustment nang tumira kami rito sa Canada. Akala ko makakabalik pa ko kay Miss Trinity kaso biglang sinabi ni Auntie na simula ngayon dito na kami titira sa Canada dahil aampunin na nya kami. Sya lang din naman dumamay sa amin ng nawalan kami ng magulang dahil sa isang aksidente.

Si Miss Trinity, kapag hindi sya busy ay panay ang aming videocall. Nakakuha na rin sya bagong P.A. nya kaso sobrang daldal naman at sobrang ingay kapag nasa condo nya. Sa tingin nga daw nya ay hindi na nya kailangan ng alarm clock para magising, dahil ingay at kadaldalan pa lang ng P.A nya ay talagang magigising na sya. Tinagurian pa syang Best Actress of the year dahil sa movie nila ni Indigo. Pero hanggang ngayom choosey pa rin sa mga manliligaw nya.

Ganun din si Indigo na naging Best Actor of the year. Abala man sya sa mga shootings pero hindi nya hahayaan ng mommy nya na ibenta ang company ng kaniyang dad. Tiwala akong makakaya nya ang lahat dahil matalino syang tao. At alam kong may babae ding darating sa buhay niya tulad ko na kayang magtiwala sa kaniyang kakayanan at mahal syang lubos na higit pa sa pagmamahal ko sa kaniya.

-End-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Couldn't Love You MoreWhere stories live. Discover now