4

7 0 0
                                    

Natigilan ako sa kaniyang sinabi. "A-Alam nyo na po ang alin?"

Pero nakangiti pa rin sya. Kinakabahan ako.

"Ex mo si Indigo noong highschool pa lamang kayo. Sya na mismo nagsabi sa akin kaya in the first place, nagulat ako."

Hindi ko alam kung ano dapat kong sabihin. Talaga bang sinabi ni Indigo yun sa kaniya? Pero bakit?

"Miss Trinity, pasensya na kung hindi ko agad nasabi sayo. Pero maniwala ka, wala na kong katiting na nararamdaman sa kaniya."

Yung tingin ni Miss Trinity sa akin ay parang kinikilatis ako, tila ayaw nyang maniwala sa akin. "Seryoso? Eh anong naramdaman mo noong nasa set tayo?"

"Wala." Walang ekpresyon kong sagot sa kaniya.

Bahagya syang natawa. "Kahit ako wala. Kung iniisip mo na magkakagusto ako kay Indigo. Sorry, hindi pa si Indigo ang Ideal Type ko. Kilala mo naman ako, di ba? Makilatis? Choosey?"

Hindi ko alam pero iba na naman tong naramdaman ko. "Pero.."

"Tumayo ka. May pupuntahan tayo.."

Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. "Nakapantulog ka pa?"

"Oo. Bakit ba? Tara na!" Seryoso nyang sabi at saka na nya ko hinila palabas ng condo nya. Saan naman kaya nya ko dadalhin?

Pagkatapos ng mahabang byahe ay dumating kami sa isang resort. At nanlaki ang mata ko sa gulat ng maging familiar ang lugar na to. Agad kong nilingon si Miss Trinity.

"Miss Trinity? Hindi ba, dito kayo nag-shoot?"

"Oo. Pwede bang ipaabot mo to kay Direk? Hindi kasi ako bababa eh.." aniya sabay bigay sa akin ng isang red envelope. "Ayoko makipag-meet up sa kaniya, wala kasi ako sa mood kaya kung pwede ikaw na lang." Sabay ngiti nya pa.

Parang may kakaiba..

"S-Sige, Miss Trinity. Basta iaabot ko lang to, ah?!"

"Oo.."

Lumabas na ko ng sasakyan at naglakad na ko papasok sa resort. Nagtanong ako agad sa receptionist kung saan naka-in si Direk Ralph. Nang malaman ko na ay agad akong nagtungo sa kinaroroonan nya. Habang naglalakad ako sa dalampasigan ay bigla akong napahinto sa paglalakad ng may matanaw akong isang familiar na lalaki na nakatayo habang pinagmamasdan ang karagatan.

Si Indigo? Bakit sya nandito?

I Couldn't Love You MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon