3

7 0 0
                                    

Dumating na ko sa condominium ni Miss Trinity. Mabuti na ngalang madalang na lang nya ko patulugin dito dahil minsan kasi natatakot syang mag-isa, lalo na noong unang lipat nya dito sa condo. At ngayon, mukhang nagiging okay na sya. Minsan kasi kailangan kong umuwi sa amin, dahil ngayon naman ako kailangan ng kapatid ko na may sakit.

Kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin kay Miss Trinity ang intensyong kong umalis sa puder nya. Dahil sa susunod na dalawang buwan ay susunduin na kami ng Auntie namin patungong Canada upang doon ipagamot ang kapatid ko. Pero at the same time, nalulungkot ako na iwan si Miss Trinity.

Sino mag-aasikaso sa kaniya o makakasama nyang matulog kung bigla na naman syang natakot mag-isa?

"Ang lalim yata ng iniisip mo, Luna?"

Nabalik ako sa ulirat ko nang dumating na si Miss Trinity na may dalang tasa ng kape, saka nya ito pinatong sa center table.

"Ah.. P-Pasensya na, Miss Trinity."

Umupo sya sa tabi ko. "Hindi ba sabi mo may sasabihin ka kaya ka nandito?" Sabay ngiti nya.

Haay.. ganda nya talaga, kaya daming nanliligaw na actor sa kaniya. Pero never pa syang na link sa mga iyon, ewan ko lang pagdating kay Indigo kung bet nya ang lalaking iyon.

"Ah oo.. ano kasi.." di ko alam ang gagawin ko kaya napakamot ako ng ulo. "Alam nyo naman siguro ang kalagayan ng kapatid ko, di ba? Tumawag kasi si Auntie, need namin syang ipagamot sa Canada next two months. Kaya nandito ako, Miss Trinity upang magpaalam sayo ng maaga." Marahan kong hinawakan ang kaniyang kamay. Bumibigat ang dibdib ko na at gusto ng sumabog ng luha ko. "Pasensya ka na, masakit na iwan kita pero mas kailangan ako ng kapatid ko."

Marahan nyang hinawakan ang mga kamay ko, wala akong nagawa at tuluyan ng tumulo ang aking luha.

"Ano ka ba? Ayos lang sa akin iyon, alam ko naman na babalik ka pa kapag naging okay na ang kapatid mo, di ba? Ikaw lang naman pinagkakatiwalaan ko at para na rin kitang kapatid. Kaya wag ka na malungkot dyan."

Sobra akong naiyak sa kaniyang sinabi. Binalik ko ang tingin sa kaniya pagkatapos kong punasan ang aking mga luha. "Pasensya na, Miss Trinity. Patawad din kung meron pa kong di inaamin sayo." Sabi ko sabay hikbi ko.

"Kahit di mo sabihin, alam ko na.."

I Couldn't Love You MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon